One

6.5K 181 17
                                    

Love. Four letter words that can ruin every pieces of your soul. A word that wreck you in every possible way. A word can kill you. Slowly, deeply, painfully.

"Franco Van Vero!" Matinis kong hiyaw habang tumatakbo palapit sa dose anyos na si Franco na kasalukuyang nasa ilalim ng punong mangga. Nakaupo s'ya at kausap ang nakatatanda kong kapatid na si Carrina-- Si ate Carrina. Magkasing edad sila ni Franco kaya siguro sila ang palaging magkasama. Sila ang palaging bati. Habang ako? Palaging saling pusa lang.

Hindi nila ako pinansin. Patuloy lang sila sa pagtatawanan. Napakunot-noo ako at binilisan ko ang lakad papunta sa kanila. Mabilis akong umupo sa gitna nilang dalawa. Natawa naman si ate sa ginawa ko. Kinabig n'ya ako at hinaplos ang mahaba kong buhok.

Walong taon lang ako pero, nakakaramdam na ako ng paghanga kay Franco.

"What brought you here Arette?" Nakangiting tanong ni Ate.

Sinulyapan ko si Franco at kitang-kita ko ang nakasimangot n'yang mukha.

"Franco told me to be here." Nakasimangot kong sagot.

Narinig ko ang malakas na 'Tsk' mula kay Franco kaya napakunot lalo ang noo ko at matalim s'yang tinitigan, ngunit alinsabay n'on ay ang pag-irap n'ya sa'kin.

"Ee bakit nga?" Kulit ni ate.

Lumingon ako sa kanya at umayos nang pagkaka upo. Hindi sinasadyang natabig ko ang braso ni Franco, at pakiramdam ko may mumunting kuryenteng dumaloy doon.

CassandraWhere stories live. Discover now