Five

3.5K 154 28
                                    

-- Hold on.

Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko nang dahan-dahang huminto ang sasakyan ni Franco sa tapat ng gate ng bahay namin.

Napalunok ako ng ilang beses nang matanaw ko ang napakaliwanag na Hardin na animoy nagsasayaw ang mga ilaw. Kung titingnang mabuti ay may nagaganap na kasiyahan sa loob. Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko inaasahan ang ganito. Wala sa plano pero nandito na. Wala na akong magagawa kung hindi panindigan ang gusto kong mangyari.

Napabuntong hininga ako. Wala na talaga 'tong atrasan. Nandito na ako-- kami ni Franco, kaya hindi na dapat ako kabahan o matakot. Pero dahil nandito na nga, biglang rumehistro sa isip ko si ate~

Kumalabog ang dibdib ko, kasabay ng paglabas ni Franco sa sasakyan. Sa backseat ako nakaupo. Ni hindi kami magkatabi, sa byahe namin ay hindi man lang n'ya ako nagawang sulyapan man lang, o sandaling tingnan.

Nang makalabas si Franco ay lumabas narin ako. Muli kong ipinaskil ang napakalawak kong ngiti. Itinago ko ang sakit, pait at kalungkutan sa likod ng ngiting iyon. Ayokong ibigay sa kanya ang emosyon na gusto n'yang makita sa mukha ko. Ayoko-- hindi pwedeng makita ng lahat na mahina ako. Ayokong maisip nya na may kaunting pagsisi sa akin. Ayokong makita nya may mumunting takot Ako sa gabing ito.

Nang makababa ay kaagad kong hinagilap ang braso ni Franco. Iniangkla ko ang braso ko dito at sinadyang idikit ang dibdib ko sa braso n'ya. Nang lingunin ko s'ya ay nakita ko ang matalim n'yang tingin.

"Why? Naseseduce kaba?" Nakangiti kong tanong. Akma s'yang pipiksi ng mas higpitan ko pa ang kapit.

"Hmm.. not a good idea, we're getting married right? and this night are ours." Nakangisi kong saad. Malambing kong sinalubong ang kanyang titig ngunit nabigla ako ng tumawa si Franco. Hinawakan nito ang kamay ko. Inilapit pa n'ya ang mukha ko sa mukha n'ya. Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hinga sa aking pisngi. Ang bango.

"This is your night Cassandra. Not ours." Bulong nito bago humakbang papasok. Ibig kong bawiin ang braso ko sa braso n'ya nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang pagtitipon na ito. Halos lahat ng kaibigan ni Franco ay nandito. Pati ang pamilya n'ya. Business partner and even my Family. Nagkakasiyahan ang lahat ngunit, natigil iyon nang pumasok kami sa loob. Lahat ng mata ay sa amin nakakatutok. Lahat sila ay napawi ang ngiti ng makita ako. Hindi ko sila pinansin at diretsong pumasok sa loob. Kaagad kong hinagilap ang mga magulang ko, ngunit ng makita ko ang ekspresyon sa kanilang mukha na dissapointed ay gusto kong umatras. Nasaktan ako nang tumama ang titig ni Mommy sa akin. Alam Kong dati na syang disappointed sa mga gawain ko dati, at mas nadagdagan pa ngayon.

"Smile Cassandra." Mariing bulong ni Franco. Napilitan akong mas lakihan pa ang ngiti ko, para maitago ang sakit. Ito ang consecquence na ginawa ko. Dapat handa ako. Hindi na ako lumingon sa paligid. Diretso lang akong nakatingin kila Mommy. Hindi maipinta ang mukha ni Daddy kahit na may hilaw na ngiti sa kanyang labi. Sino ba naman ang may gusto na naitakda na ang kasal ng panganay nilang anak, sa lalaking mahal nito, ngunit ang ihaharap pala sa altar ay ang nakababatang kapatid. Diba nakakahiya? na ako pa mismo ang sumira ng kanilang magandang relasyon.

"Mom, Dad" Bati ko dito. Akma akong hahalik sa pisngi ni Mommy, ngunit mabilis itong umiwas. Lumingon ako kay Franco, ngunit sinalubong lang ako ng matalim nitong tingin.

"Dad." Tawag ko kay Daddy. Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako. Impit akong napahikbi sa yakap na 'yon. Pero hindi ako iiyak. Hindi sa gabing ito. "Wala ang ate mo. Umalis s'ya kanina." Bulong nito. Hindi na ako nagsalita noong sabihin ni Daddy iyon. Sino ba naman kasing kapatid ang nais makitang ikakasal ang kapatid n'ya sa lalaking mahal nito.

"Pero wag mong isipin na galit ang ate mo. She loves you so much anak." Saad pa nito. Marahan nitong tinapik ang balikat ko. Alam ko kahit magaan ang pakikitungo ni daddy sa akin ay alam kong kagaya nang mommy, disappointed din sya sa akin.

CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon