Seven

5.1K 201 32
                                    

-- Fuck and tell.

Pagod na Pagod ang katawan ko nang umuwi ako sa sarili kong Condo. Sinulyapan ko sandali ang cellphone ko kung mayroong text doon, ngunit wala naman akong nakita. Kahit isang txt galing kay Franco ay wala.

Kahit si Javier ay hindi man lang ako nagawang itxt kung nakauwi ba ako ng buhay. Pakiramdam ko walang pakialam ang mga taong nakapaligid sa akin kung buhay pa ako o ano.

Naiinis kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Itinapon ko sa gilid ang dala kong bag. Hinayaan kong tangayin ako ng pagod sa maghapon. Pakiramdam ko nauubos na ako. Parang walang katapusang problema ang ginawa ko~ jusko. Gusto ko lang namang maging maligaya. Gusto ko lang maging masaya.

Wala pa rin akong balita kay ate. Ang tanging alam ko lang ay umalis ito. Wala akong alam kung saan ito pupunta. Ni hindi ko alam kung umalis ba ito ng bansa o kung nandito lang sa pilipinas. Hindi naman sinabi nila Daddy kung nasaan ito mismo. Ayaw naman sabihin ni Mommy, dahil alam kong galit iyon sa ginawa ko.

Hay--

Siguro nga mas mainam na wala si Ate para 'di n'ya makita ang tuluyan kong pag angkin sa lalaking mahal n'ya. Tama na nasaktan ko s'ya ng harapan. Hindi ko na dadagdagan pa iyon.

Hindi nagtagal ay tumayo na rin ako. Naglalagkit na ako kaya naman dumiretso na ako sa c.r na nasa kwarto ko. Isa-isa kong tinanggal ang suot kong damit. Wala akong itinira kahit isa. Matapos no'n ay tumapat sa ilalim ng dutsa. Sa ilalim noon ay dahan-dahang kumawala ang mga impit kong iyak. Hindi ako kasing tapang ni Sia, ngunit gusto kong makita nila na kayang kong dalhin lahat. Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong ipakitang, sa kabila ng mga maling desisyon ko ay nagsisisi ako. Nagsisisi rin ako na nasasaktan ko ang sariling kong pamilya.

Hinayaan kong tangayin ng tubig ang bawat luhang pumapatak. Kahit na nag-iisa ako ayoko pa ring makita na umiiyak ang sarili ko mismo. Hindi ako sanay na maging malungkot. Ngayon lang talaga ako umiyak nang ganito. Siguro~ oo. Baka. Pero naguguilty ako sa nangyari. Kung iisipin walang pinakitang mali ang ate. Pero ako~ aaminin ko inggit na inggit ako sa kanya. Sa lahat ng bagay. Pero alam ko, at ito ang totoo, mahal ko ang kapatid ko.

Makalipas ang halos isang oras ay nagpasya na akong tapusin ang paliligo. Sapat na ang oras na iyon, para maglabas ng hinanakit. Binalot ko ng roba ang ang aking katawan. Hinayaan kong tumutulo ang tubig sa buhok ko tutal naman ay mag-isa lang ako sa Condo. Agad akong naupo sa kama at pinatuyo ang buhok gamit ang isang puting twalya. Nakakainip mag-isa ngunit, wala naman akong magagawa. Busy ang mga kaibigan ko. Si Sarhel ay kasama si Arozcaldo. Si Sia, ay well busy 'yon kasama ang boyfriend n'ya. Si Amara naman ay kakauwi lang galing America. Hindi ko naman sila pwedeng abalahin para mag-emote, may kanya-kanya kaming love life na kailangang ayusin. May kanya kanya kaming buhay na dapat intindihin.

"Fuck that bastard." Mahinang usal ko nang maalala ko na naman si Sebastian. Napabuntong hininga na lang ako at tinigilan ang pagpapatuyo ng buhok. Nakakawalang ganang mag-isip kung mukha ni Sebastian ang pumapasok sa isip ko. Inabot ko ang remote at binuksan ang T.V. Mas gusto ko nalang kalimutan lahat ng napag-usapan namin dahil mastress lang ako ng bongga. Tang ina. Mali nga atang nakipag kasundo ako sa demonyo na 'yon.

"Fuck. Fuck!" Muli iritado kong saad. Bumangon na ako at nagtungo sa closet. Kumuha lang ko ng panty short at puting sando. Hinayaan ko kung basa pa ang buhok ko. Matutuyo rin naman siguro 'yon habang nanunuod ako. Nang matapos akong magbihis ay bumaba ako para kumuha ng pagkain. Mabuti nalang at parati akong pinapaalalahanan ni Sia na dapat laging may pagkain sa ref. Kumuha lang ako ng gusto ko at aakyat na sana nang marinig kong may nag doorbell. Asar akong nagtungo sa pinto para buksan iyon.

"Talagang ganyan ka ba mag welcome ng bisita? Halos kita na lahat sayo aa." Iritadong bungad ni Franco sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Matalim ang titig nito sa akin, pababa sa katawan ko. Para bang specimen ako na nasa ilalim nang microscope na mabuting binubusisi. Mabuti na lamang at mahigpit kong hawak ang dala kong try dahul kung hindi ay kanina pa ito nalaglag sa gulat.

Kapagkwan, ay tinabig n'ya ang braso ko at malayang pumasok sa loob. Napansin kong nagpalinga-linga pa ito bago nakapamewang na humarap sa akin.

"Ano? Tatayo ka nalang d'yan. Fuck! Come here!" Sigaw n'ya. Iritado parin ito na, napahilot pa ito ng sintido habang hinihintay akong lumapit sa kanya.

Napakunot noo ako at pabagsak na isinarado ang pintuan. Hindi ko s'ya pinansin at didiretso na sana sa kwarto nang biglang hilahin ni Franco ang braso ko, kaya naman tumama ang mukha ko sa dibdib n'ya. Nanuot sa ilong ko ang amoy lalaking pabango nito. Napapikit ako dahil doon. Ang isang braso ni Franco ay naramdaman kong pumaikot sa bewang ko.

"Ano ba." Naiirita kong saad. Bahagya ko pang itinulak ang kanyang dibdib gamit ang kamay kong may hawak na pagkain. Hindi ako tumingala, dahil pag ginawa ko iyon ay alam kong babagsak sa akin ang mapang akusang tingin ni Franco. Narinig ko ang pag tsk ni Franco.

"Ang arte." Bulong nito. Napataas ang kilay ko, ngunit kasabay noon ay naramdaman ko ang pagkalas ng braso ni Franco sa bewang ko. Gusto ko sanang magprotesta ngunit, nantili na lamang akong tahimik. Nang tuluyan na akong makawala sa yakap n'ya at nagdiretso na ako sa kwarto. Ramdam ko ang presensya n'yang nakasunod sa akin, base sa mabibigat nitong pag hakbang.

Sumalampak ako sa kama habang nahiga naman si Franco. Ngayon ko lang napagmasdan na nakasando ito at sweat pants. Pambahay ang suot pero ang gwapo-gwapo parin.

"What took you so long?" Maya'y tanong nito sa akin.

"Huh?" Nilingon ko s'ya. Bumagsak ang tingin ko sa matipuno n'yang dibdib bago tumama sa kanyang mukha na ang paningin ay nasa palabas sa t.v

"Bakit ang tagal mong umuwi?" Ulit n'ya. Tumama ang paningin n'ya sa akin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Inoorasan mo ba ako." Kunwa'y iritado kong tanong. Narinig kong tumawa s'ya sa tinuran ko.

"Bakit ko gagawin 'yon. It's a waste of time. Alam mo naman na may inaalagaan akong image Cassandra. Ayokong makita nila na kung sinu-sinong lalaki ang kasama ng magiging asawa ko." Walang emosyon nitong saad. Napahinga ako ng malalim at tinuon ang pansin sa kinakain kong gulay.

"Anong gusto mo? Dito lang ako sa Condo at susundin lahat ng gusto mo. Tsk." Iritado kong sagot sa kanya. " You can't stop me, kung gusto kong makipagkita sa mga taong gusto akong kasama. Hindi pa tayo kasal, hindi ko pa dala ang apelyido mo, kaya wala ka pang karapatang pagbawalan ako." Naiinis kong dugtong dito. Fuck. Hindi n'ya Ako pwedeng manduhan. Oo nga't ako ang may kagustuhan na maging mag-asawa kami, ngunit hindi iyon ang magiging lisensya para kontrolin n'ya ako.

"You and your mouth!" Iritadong saad ni Franco sabay hatak sa braso ko. Natapon ang kinakain ko nang mapahiga ako sa kama at ang katawan ni Franco ay mabilis na pumaibabaw sa akin. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata, ngunit napaismid lang ako doon. Umirap pa ako nang bumagsak ang titig n'ya sa akin. Kunot na kunot ang makapal nitong kilay at madilim ang ekspresyon ng kanyang mga mata.

"Kahit hindi pa tayo kasal, tayong dalawa na ang nasa relasyon ito kaya dapat lang na irespeto mo kung anong meron tayo. Ayokong nakikita na kasama mo 'yang Javier na 'yan." Gigil nitong saad. Napahinga ako at nakipagtitigan sa galit n'yang ekspresyon.

Ilang segundo ring ganoon ang posisyon namin nang dahang-dahan bumaba ang mga mukha ni Franco at lumapat ang labi nito sa labi ko. Dumiin ang paglalapat no'n hanggang sa gumalaw ito. Dahan-dahan nitong iginaya ang mga labi ko upang tumugon. Ang mga kamay kong nakapahinga sa gilid ay umangat at kumapit sa kanyang likod.

"Hmmm.." Napaungol ako nang lalo pang lumalim ang halik na iyon. Franco's kisses is so addicting. I can't resist him. Fuck. I can't. Tumugon ako sa mainit n'yang halik. Ang bawat hangod ng labi n'ya ay nagpapaigtad sa katawan ko. Ang mga kamay n'yang humahaplos na sa katawan ko ay tila nag-iiwan ng apoy na unit-unting tumutupok sa katinuan na meron ako.

Nang bumaba ang mga halik ni Franco sa aking leeg ay tuluyan nang napigtas ang pagpipigil ko. Pinakawalan ko na ang mga ungol na pinipigil ko.

"Franco." Nanghihina kong tawag sa kanya. Ang kamay nito ay pumaloob na sa aking sando. Naramdam kong lumapat iyon sa aking dibdib.

"Fuck. I don't love you, but damn! I don't like seeing you with other man." Bulong nito habang hinahalikan ang aking leeg.

________________________________

CassandraWhere stories live. Discover now