-- Prologue

8.1K 217 17
                                    

I wish that I could wake up with amnesia
And forget about this stupid little thing..

--------------------

"Marry me, Franco." Nakangisi kong saad sa kay Franco, habang magkaharap kami. Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata upang ipakita na seryoso ako sa binitawan kong salita.

Bumadha ang galit sa napakagwapo n'yang mukha habang mariin n'yang ikinuyom ang magkabila n'yang kamao. Napapikit din ito na animo'y nagpipigil ng galit. Nahimik akong napabuntong hininga. Alam kong ayaw nya ang ideya kong ito, ngunit wala na syang magagawa.

"I won't marry you Cassandra. I don't love you." Mariin n'yang tugon. Marahas ang pag-iling nito na animoy hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Sinuklian ko lamang sya ng isang malakas na halakhak na may kasamang pag-iling bago tuluyang humakbang palayo at tinungo ang veranda. Humawak ako sa railing n'on. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang mahaba kong buhok. Hindi ko alintana kung malamig Ang hangin na nanunuot sa aking balat. Wala naman akong pakialam, isa naman akong manhid.

Humarap ako sa kanya at sumandig sa railing kasabay ng walang emosyong pagpukol ng titig rito.
Nasa bahay ko s'ya ngayon. Alam ko kung bakit s'ya nandito.

"Love is out of the question. Yes, I love you Franco since we we're kids, but unfortunately you fell in love with my sister." Hinawi ko muna ang buhok kong tumabing sa napakaganda kong mukha bago muling nagsalita.

"I've waited five years to make this happen. You are mine Franco. Wala ka nang magagawa." Nakangiti kong dugtong.

Nag-isang linya ang kanyang labi. Napansin ko rin ang mariin n'yang pagpikit tanda na pinipigilan n'yang masaktan ako.

I know him too well. I know him inside and out. I'm with him all his life. And I want to be with him forever.

"I can't marry you. I can't," nanggigil n'yang saad. Kulang nalang ay lapitan n'ya ako at sakalin.

I chuckled. You are wrong baby, You will marry me.

Lumakad ako palapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang inilaan ko sa halos magkadikit naming mga mukha. Malaya kong pinaglandas ang hintuturo ko sa dibdib n'ya.

"Kung hindi mo ako pakakasalan, ikakalat ko ang sex video nating dalawa." Masaya kong saad. "Gusto mo bang malaman ng lahat ng tao kung gaano ka nasasarapan habang nasa ibabaw ko. Gusto mo bang marinig nila kung paano mo isigaw ang pangalan ko?" Bumaba pa ang hintuturo ko. Pababa sa kanyang t'yan, ngunit bago ko pa tuluyang maibaba iyon ay mariin n'yang hinawakan ang kamay ko at lumayo sa'kin.

"Hindi mo magagawa 'yan. Nandoon ka rin sa video. Hindi mo naman siguro ipapahiya ang sarili mo." Mariin n'yang sagot sa'kin. "Hindi mo naman siguro hahayaang maruyakan ang pangalan ng pamilya mo." Marahas nitong pag-iling.

Tinawanan ko iyon nang malakas.

"Bakit ako mahihiya? I have a wonderful body. Every man wants me to be in their bed. At kahit ipahiya ko pa ang sarili ko kasama naman kita." Diretso kong tugon. "Parang naiimagine ko na ang reaksyon ni Mr. Vero kapag nakita n'yang nakikipag sex ang taga-pagmana n'ya sa kapatid ng dapat pakakasalan n'ya. Nakikita ko rin ang reaksyon ni Papa tungkol dito." Sinabayan ko nang tawa ang mga salitang binitawan ko. "At wala akong pakialam sa apelyidong dala ko. Papa can deal with it." Ngisi ko pa.

"And before I forgot." Tila nang iinis pa ako. "If my sister sees, that the man she love is screwing her sister. I'm sure masasaktan s'ya. Sure ako dun. Hindi ko maimagine kung anong magiging reaksyon nya." nakangisi ko ng saad.

Bumaling sa akin si Franco at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. Mariin n'yang piniga ang pisngi ko at pabalyang isinandig ang katawan ko sa pader.

Nakaramdam ako ng kirot nang tumama ang likod ng ulo ko sa pader. Hindi ko 'yon ininda. Natutuwa ako sa galit n'yang reaksyon. Kahit anong reaksyon ay tatanggapin ko basta galing sa kanya. Kahit ano~ basta sya.

"Fuck you! Kahit anong gawin mo, kapatid mo pa rin ang pakakasalan ko. " galit na sigaw n'ya sa akin.

Hinawakan ko ang braso n'ya at buong lakas na inalis iyon sa mukha ko.

Diretso ko s'yang tiningnan.
"Tingnan ko lang kung masikmura ka pang pakasalan ng kapatid ko pagkatapos kong ikalat ang video." Laban ko sa kanya.

Wala na akong pakialam kung sino ang masaktan ko. Akin lang si Franco!

Nakipag sukatan s'ya nang tingin sa'kin. Nakapinid ang mga labi n'ya.

" You're a heartless monster. Anong klase kang kapatid?" Gigil na gigil nitong saad.

"Well, I'm the bitched one. I don't care if I hurt my sister. I don't care if people will loathe me. I don't really care. All I want is you. You Franco." Seryoso at may diin sa mga katagang binitawan ko. Ito nalang ang huling alas ko para mapasaakin sya.

"Kung hindi mo ako pakakasalan, ikakalat ko ang video sa mismong gabi ng proposal mo sa kapatid ko. You know me very well Franco. We grew up together. When I say I'll do it. I'll do it with no hesitation." Dire-diretso kong saad.

Kitang-kita ko ang pagtangis ng kanyang mga ngipin. Ang paggalaw ng kanyang panga. Wala na s'yang magagawa. Alam ko ang kahinaan n'ya. Iyon ay ang kapatid ko.

Sobrang mahal n'ya si Carrina. Ayaw na ayaw n'yang nasasaktan ang kapatid ko, pero kahit ano namang piliin n'ya, isa lang ang patutunguhan nito. Ang masaktan si Carrina.

Dalawang option ang meron s'ya.
Pakasalan ako. Hindi ko ikakalat ang video. Si Carrina lang ang masasaktan.

Kapag hindi n'ya ako pinakasalan, ikakalat ko ang video. Pamilya ko at pamilya n'ya ang damay.

"I hate you." Mariin n'yang saad.

"Oh... I love you more!" Sagot ko.

Lumayo s'ya sa'kin at nagsimulang maglakad.

"We will announce our wedding, sa fifth anniversary n'yo ni Carrina." habol hiyaw ko rito. Malakas na kalabog ng pinto ang huling narinig ko. Sinabayan ko na lamang iyon ng pag-iling at pagngisi.

Alam ko namang hindi makakatanggi si Franco. Pakakasalan n'ya ako para sa kapakanan ng kapatid ko.

I'm Cassandra Margarette Acuesta.

Soon to be Mrs. Franco Van Vero.

---

Susubukan Kong tapusin ito sa abot ng aking makakaya.

CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon