Six

3.7K 159 14
                                    

Javier

"Ikakasal kana pala." Ngising saad ni
Javier, habang sumisimsim ng kape. Umirap naman ako sa kanya sabay nang paghawi ng mahaba kong buhok na tumakip sa aking mukha nang umihip ang hangin. Pinakatitigan ko sya sa paraan na maalis ang nakapaskil nitong ngisi sa na animoy hindi makapaniwala sa balitang ikakasal na nga ako.

Kasalukuyan kaming nasa coffee shop na medyo malayo sa Metro. Wala naman kaming itinatago ni Javier. We've been friends since college, sadyang ayoko lang na makita nang iba na may kasama akong lalaki, lalo pa nga at na-iannounce na ang kasal namin ni Franco 2 weeks from now.

"Wala talaga akong masabi sa naging desisyon mo Andra. I can't believed you tricked your sister, your family and the one you love." Umiling-iling pa ito habang sinasabi ang mga salitang iyon bago umayos nang upo. Inilagay nito ang hawak na tasa sa ibabaw ng mesa bago ipinahinga ang dalawang braso sa arm chair. Napakagat labi ito at nag iwas ng tingin na para bang nag iisip ng pwede pang ibatong lintya sa akin.

"Don't lecture me now Javier. Ayokong makinig sa mga lintya mo. Alam ko naman na masaya kana ngayon dahil may pag-asa kana sa kapatid ko." Irap kong saad dito. Humalukipkip ako at tiningnan s'ya ng masama. Napabuntong hininga ako at malayang isinandal ang likod sa upuan bago sumimsim ng kape.

"Chill." Tawa nitong saad. Muli itong umayos ng upo ngunit hindi binibitawan ang tingin sa akin. Alam kong may gusto si Javier sa ate ko. Hindi lingid sa akin iyon. Kaya nga mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa dahil parehas kaming sawi sa mga taong mahal namin. Nagkakilala kami noong unang taon ko sa college. Classmate kami sa ilang subject. He's totally a jerk and a fuck boy na hindi naman n'ya itinatanggi. Ang lagi n'yang sinasabi?

I'm just a boy trying to learn something to become a man~ including sex of course!

What the fuck right?

"So... Anong pag-uusapan natin?" Balik seryoso n'yang tanong. Ilang sandali akong tumingin kay Javier. At habang tinitigan ko s'ya ay natawa nalang ako. Sa tagal kasi naming magkaibigan ay hindi man lang ako nagkaroon ng spark sa kanya. Gwapo si Javier. Mukhang sobrang gwapo nga ang tamang term para i describe ang physical apperance n'ya. Perfect at tone ang kanyang katawan. Clean cut ang buhok nito. Walang balbas o bigote kaya makikita mo kaagad ang napakinis nitong balat. Matangos din ang kanyang ilong, makapal ang kanyang kilay at kulay green ang kanyang mga mata. Perfect din ang pagkakahugis ng pangahan nitong mukha, kaso lang talaga, kahit anong gwapo ng lalaki sa harapan ko, nangingibabaw pa rin si Franco.

Totoo talaga na may mga lalaking kinakaibagan lang at hindi talaga minamahal kahit ang perfect na.

"Back on earth Andra, nagwagwapuhan kana naman sa akin." Javier snap. Umirap ako at nag-iwas ng tingin.

"I'm getting married."

"Yeah. We all know that." Putol kaagad ni Javier. Ngumisi ito na para bang may mali sa sinabi ko.

"Fuck! Let me finish you jerk!" Bulyaw ko. Natatawa naman itong nagtaas ng kamay.

"Okey, Serious mode is on." Seryosong saad nito. Umirap ulit ako at sinapak ang braso n'ya nang makakuha ng pagkakataon.

"May kilala kabang Sebastian Arellano?" Maya'y tanong ko rito. Pumirmi na ako ng upo at pinagmasdan kung anong magiging reaksyon ni Javier. Dahan-dahan ay inilapag nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

"How the fuck did you know him Andra?" Seryosong balik tanong nito sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tono ng boses ni Javier. Napalunok pa ako ng ilang beses ngunit, para hindi mahalata ang kaba ko ay ngumisi ako sa kanya.

"S--Sa isang party." Maikli kong sagot. Ikinubli ko ang panginginig ng boses ngunit talagang hindi ko napigil. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Javier.

CassandraWhere stories live. Discover now