Chapter 4

18 0 0
                                    

Laine's POV

"What the fuck??!" Bulalas ko habang nanlalaki ang aking mga matang nakatulala sa kanya. Bigla lang naman syang tumawa nang tumawa habang may hawak na buhanging putik sa kanyang dalawang kamay.

Halos maglupasay na sya sa kakatawa, yumuko ako tsaka pikit matang tinanggal ang buhanging putik na ibinato nya sa aking mukha. Rinig na rinig ko ang hagalpak nyang pagtawa tila ba sayang saya sa kalokohang ginawa, para syang maliit na bata na tuwang tuwang naglalaro.

Tiningnan ko sya ng masama, ngunit puno nang pang-aasar nya lang akong nginisihan at dinilaan at muling binato na agad ko namang iniwasan.

"Magdahan-dahan kayo baka kayo madulas at masaktan!" Sigaw sa amin ni manang Gloria, isa sa katiwala ng may-ari ng tinutuluyan kong guesthouse na syang pagmamay-ari ng kanyang tito.

"Naku! Ma'am Rafa! Baka malagot tayo nito kay Sir!" Tila puno nang takot at pag-aalala nitong turan.

"Habulin mo ko Laine! Wala ka pala eh!" Sigaw nya sa akin at muli akong binato. Di ako makatakbo ng mabilis dahil sa suot-suot kong bota at dahil na din lumulubog ang aming mga paa kaya nahihirapan akong lumapit sa kanya, kaya tawa sya nang tawa kahit na maging sya din ay nahihirapan ding tulad ko.

"Huwag mo akong hamunin Raf! Dahil mata mo lang ang walang latay kapag nalapitan kita!" Balik kong sigaw sa kanya na medyo naiinis na dahil nahihirapan akong hugutin ang paa ko sa pagkakabaon sa putik

"Puro ka satsat! Ipakita mo!" Hamon naman nya sa akin, napa-smirk ako nang mawala sa akin ang atensyon nya dahil lumubog sa malalim na parte ang paa nya na halos below the knee na nya kaya natuon doon ang atensyon nya habang hinuhugot ang kanyang paang lumubog.

Kinuha ko naman ang pagkakataon na yun, agad akong kumuha ng putik at binilog ito. Tsaka ako pumuwesto, nang masiguro ko na ay agad ko itong tinawag pagkatapos ay ibinato ko sa kanya ang putik na binilog ko.

Nanlalaki ang mga mata ko at agad na napatakip sa aking bibig dahil sapul na sapul sya sa kanyang mukha. Natigilan sya habang nakataas ang dalawa nyang kamay.

"Ma'am Rafa!" Sigaw ni manang Gloria tila nagulat din. Ngunit mahihimigan ko ang tawang pinipigilan nya, maging ako ay pilit pinipigilan ang tawa.

"R-Raf... S-sorry..." Turan ko more on sa aking sarili.

"You!" Turo nya sa akin habang nakadikit pa din sa pagmumukha nya ang putik, nakaturo sa kung saan dahil di nya ako nakikita sa mga sandaling ito dahil sa putik na nakadikit sa kanyang mukha

"Look awful! Pftt--HAHAHAHAH!" hindi ko na napigilan ang tawa na pinipigilan ko dahil sa itsura nya. Yumuko sya tsaka umiiling na tinanggal ang putik na nasa mukha nya.

"Humanda ka sakin!" Nataranta naman ako ng marahas na nyang tinatanggal ang paa nya mula sa pagkakabaon sa putik. Lalo akong napahagalpak ng tawa dahil natumba at nasubsob sya nang ma-out balance sya.

"Pft-HAHAHAHAHAH!"

"Ma'am Rafa! HAHAHAHAHA!"

halos binalot nang tawanan namin ang lugar dahil sa kanya, nakadapa sya sa putikan na parang palaka. Lapat na lapat ang katawan at mukha nya.

"Greer!!!" Nanggigigil nyang turan nang nakatayo sya. Marahas syang tumingin sa akin habang matalim ang mga titig na pinupukol nya sa akin, itinuro nya pa ako tsaka sya ngumisi ng nakakaloko. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil naramdaman kong may gagawin syang kalokohan.

"Humanda ka Laine!" Sigaw nya tsaka tumayo at hinugot ang paa nya mula sa botang nabaon na sa putik.

Buhat sa ginawa nya ay nanlaki ang mga mata ko at marahas na sinubukang humakbang at tumakbo palayo sa kanya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay nadapa ako dahil sa taranta

The Bucket list (Short Story)Where stories live. Discover now