Chapter 5

20 0 0
                                    

Laine's POV

Natapos na akong kumain at uminom ng gamot halos ilang oras na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din si Rafa. Ayoko mang aminin, pero hinihintay ko ang pagdating nya dahil sinabi nya na pupuntahan nya ako. Ngunit madilim na ang paligid, sa tingin ko ay namamahinga na ang ibang tao sa guesthouse bukod sa mga guest ding tulad ko.

Halos mapudpud na ang kuko ko kaka-scroll sa social media para lang libangin ang sarili ko habang naghihintay sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring Rafang dumadating, kaya di ko maiwasang makaramdam ng pagtatampo sa kanya. Dahil umaasa akong makita ko sya uli ngayon.

Hindi ko man maamin sa kanya ngayon, but I feel attached na sa kanya. Sa maikling panahon ng pagsasama namin ay ganoon na lamang kabilis na napalapit ang damdamin ko sa kanya. Dahil hindi sya mahirap pakisamahan, hindi sya mahirap na magustuhan.

Yes I like her company, I always like it everytime were together. When we're close to each other. I like the feeling that she give me everytime we had skin to skin contact. It electrify me because it feels so good. I love her company, here presence, her voice everytime na tumatawa sya it felt illegal not to smile sa mga corny nyang mga jokes at hirit.

Sa loob lamang ng maikling panahon na magkasama kami ay maraming nangyari, nagsilbi syang company ko at tour guide. She accompany me to experienced new adventure sa tanang buhay ko. Maituturing lang na simple, but the feeling of it, is priceless. Walang halaga ang kayang tumumbas sa mga bagay na ipinadama nya sa akin sa ilang araw na pagsasama naming dalawa.

We do a lot of adventures na hindi ko in-imagine na mararanasan ko. After we talk sa 7/11 para sa mga bagay na gagawin namin ay wala syang sinayang na oras. Dahil kinabukasan ay ginawa din namim iyon. First adventure namin ay nagpunta kami sa mountain view deck, a 360⁰ view ng mountain range o ang tinatawag nilang Batanese of the east.

It felt so overwhelming, the view is so mesmerizing and amazing. Nakaka-starstruck sya. Yung calmness na hatid nito is to the max, it level up my excitement after that. Sumakay naman kami ng bangka para magtungo sa White beach. Literal na White beach dahil yung buhangin ay puti talaga. And matutuwa ka dahil habang papalapit kami sa beach ay makikita mo yung mga corals sa ilalim, sobrang lalim at sobrang linaw ng tubig.

Nagkataon na hindi maalon nang araw na yun, I'm not ready kaya nagulat ako nang ilabas nya ang ilang mga gamit na ginamit namin for diving to wonder that wonderful and beautiful underwater adventure. There is a lot of different fishes down there, I love swimming down there. I can't contain my joy that time. We hand and hand looking and watching those marine life.

After nun, ay tumuloy na kami sa beach. Right there, a lot of seafoods are waiting for us to be eaten. I was so happy doing those things. Feeling turista talaga sa hometown ng mother ko, sayang dahil hindi manlang nasulyapan ni mama ang hometown nya before she go.

After fighting with seafoods, nagpasya kaming magpahinga na muna habang pinanunuod ang ilang grupo ng mga kabataan at kasing edad namin na masayang naglalaro ng volleyball. Then nang medyo hapon na kung saan medyo malilim ang araw ay nag-pasya kaming umakyat ng light house. Or should I say Parola. Halos di ko maihakbang ang paa ko nang nasa unang palapag pa lang kami, ngunit ipinagpatuloy ko pa din ang pag-akyat namin dahil mapilit sya. Katwiran nya ay kasama ko naman sya habang hawak ang kamay ko.

Sinabihan nya akong huwag tumingin sa baba kundi sa kanya lang habang hawak nya ang dalawa kong kamay. Paatras syang umakyat dahil inaalalayan at kaharap nya ako. Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya dahil doon ako kumukuha ng lakas at tapang para ipagpatuloy ang nakakalulang adventure namin. Hanggang sa pagdating namin sa dulo ay biglang naglaho ang takot ko.

The feeling is so overwhelming, I feel victorious nang marating namin ang tuktok. Malawak lang akong nakangiti at nakatingin sa kanya habang nakataas ang dalawa kong kamay, dinadamdam ang malamig na hangin. Nag-stay pa kami nang ilang sandali doon dahil kumuha ako ng mga litrato. Nang pababa na kami ay pahirapan na naman dahil naramdaman ko na naman ang takot ko. Nanginginig ang aking mga tuhod, kaya pinagtatawanan nya ako nang mga oras na yun.

The Bucket list (Short Story)Where stories live. Discover now