Chapter 12

19 0 0
                                    

Rafa's POV

Napapikit lang ako ng madiin habang pinapakiramdaman ang aking sarili nang mainom ko na ang mga gamot. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong unti-unting naiibsan ang sakit na nararamdaman ko, napalunok lang ako muli ng laway tsaka pinunasan ang malamig na pawis sa aking noo. Muli akong huminga ng malalim tsaka na-upo sa aking kama. Malungkot akong napatitig sa aking mga kamay na nanginginig at nanlalamig.

"Hindi rin magtatagal ay matatapos din ito, kaya naman kayanin natin hanggang sa matapos at makapagpahinga na Tayo ng tuluyan" turan ko sa aking sarili habang iniisip ang natitirang araw ng aking buhay. Napatawa ako ng mahina bago nagpasyang kunin ang aking lapis at sketchbook.

Ilang buklat ay napahinto ako nang tumambad sa akin ang larawan ng babaeng yun. Sa nakalipas na buwan, simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ko wala akong ginawa kundi magmukmok. Sinubukan kong lumaban at magpatuloy, hanggang sa tuluyan akong iwan ng pag-asa.

I spent my days sketching and painting random things and strangers sa park at kung daang lugar kung saan ako dalhin ng mga paa. Sa mga lugar kung saan nakakaramdam ako ng kapayapaan. At sa kakatwang pangyayari nakikita ko sya sa mga lugar na yun, kaya naman naiisip ko din na yung lugar ba talaga ang nagbibugay sa akin ng kapayapaan o sya. Lalo na sa tuwing nakikita o matatanaw ko lang sya, I can't take my eyes off of her. Hanggang sa hindi ko namalayan na sya na lang ang naging laman ng mga ginuguhit ko

I don't know kung ano ang mga susunod na mangyayari o pangyayari, but I feel like I want to get kahit na sa pagkakataon lang na ito kahit na walang kasiguraduhan ang gagawin ko. But I want to believe in destiny, lalo na ngayon. When I saw there, when she save me from danger. The moment I saw her eyes, it feels odd and comfortable to be with her.

Somehow it help me tobe calm and relax just by looking at her and watching her. I feel something na hindi ko maipaliwanag everytime na nakikita ko sya. Those passed few months she help me conquered my fear, without her knowing about it. Maging si Doktora Sarah ay walang idea sa mga bagay na iyon, because I keep it to myself dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Kung dala lang ba o dahil lang sa lungkot na nararamdaman ko at sakit na na dala ko kaya ganoon. Na baka humahanap lang ako ng bagay na pagtutuunan ng pansin para kahit pansamantala ay nakalimutan ko ang mabigat na kinakaharap ko.

"Ano ba talaga ang reason bakit ka biglang pumapel sa buhay ko? Kung meron man, ano iyon at bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan araw linggo na lang ang binibilang ko" pahayag ko habang nakatingin sa nakangiti nyang larawan na iginuhit ko.

*Knock! *Knock! *Knock!

Natigilan ako at mabilis na napalingon sa pintuan ng aking silid, dahil naisip ko na wala naman akong inasahan na bisita lalo na sa ganitong oras. Naisip ko naman si Jonathan, baka may nakalimutan.

"Sandali nandyan na..." Turan ko lang sa taong nasa likod ng pinto. Itinago ko na muna ang sketchbook ko bago tuluyang tumayo at nagtungo sa pintuan

"Sabi ko saying ako na ang bahala, magpahinga ka na. Di mo na kailangan pang mag-abala dahil--" naitikom ko naman ang bibig ko nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Puno nang confusion ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Alanganin lang syang napangiti tsaka nagtaas ng kamay bilang pagbati

"JM, anong ginagawa mo dito? B-bakit ka naparito nang ganitong oras?" Tanong ko na lang sa kanya tsaka napatikhim, ngumiti lang naman sya tsaka napakamot sa kanyang braso. Tila nagdadalawang isip pa na magsalita

"K-kasi, hihingi sana ako ng favor..." Tumango lang naman ako sa kanya bilang tugon habang nakatitig sa kanya

"Okay... Ano naman iyon?" Tanong ko sa kanya, ngumiti lang sya uli

The Bucket list (Short Story)Where stories live. Discover now