017

1 0 0
                                    

napapansin ko,

hindi mo na suot ang pulseras na bigay ko
yung hindi naman dapat ako gagawa ng ganun,
pero ginawa ko,
dahil gusto mo

pansin ko,

hindi na kita matingnan nang maayos
hindi na rin nagbabanggaan ang mga palad natin nang madalas
hindi ko rin alam,
pero nasasaktan ang puso ko

pansin ko,

pinagupit mo na rin buhok mo
buhok mong mahaba,
punong puno ng ligaya
punong puno ng ala-ala

ano pa nga bang panghahawakan ko?
kalayaan mo ang kasiyahan ko,
sana mapansin mo rin
na ikaw pa rin ang tinitingnan ko

kaso mayroon akong hindi napansin sa'yo,

at ayokong alamin kung tama ba ako
dahil tinanggal mo na nga,
pati ba ako?

Tatlumpu't LimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon