033

2 0 0
                                    

hindi ko alam
kung ayun nga ba ang basehan
paulit-ulit kong sinasabi
umuusad na ako

wala nang kuryente sa ugat ko
kaya ko nang magsulat na hindi ikaw ang sentro
ngumingiti na ako sa saya na hindi galing sa'yo
umuusad na ang mga talulot ko

kung mas pinili mong itigil para sa kapakanan ko
inamin ko, ngunit kaya kong umusad sa sarili kong pagkalumpo
ngunit sabi mo nga,
gawin ko para sa sarili ko hindi para sa'yo

nasaktan ako,
hindi rin madaling aminin ang katapangan
dahil kapalit ang isang kagimbal-gimbal na ulan
hanggang sa nalunod ako nang tuluyan

noong nagawa ko
saka ka nawala
ngunit ni saan ba ang ligaya?
hindi na tayo para sa isa't isa

kasi hindi naman talaga

Tatlumpu't LimaWhere stories live. Discover now