014

4 0 0
                                    

napakarami kong naiisip
hirap na hirap akong tumapos ng kwento,
hindi ko alam kung saan na ba ito patungo

ngunit,

isang araw,
sinubukan kong magsulat
ikaw ang nasa isip,

gulat,

nakasulat ako ng isang tula,
isang napakagandang tala,
isang napakamakinang na bituin
lubos akong namangha

sa buong buhay ko,
hirap ako at gulong gulo
ngunit nang maisip kita
nawala lahat ng basura

napangiti ako,

paksang hindi ako magsasawa
paksang hindi ko bibitawan
paksang alam kong laging mailalathala

isang paksa,

na ikaw ang sentro,

ikaw ang simula,

ikaw ang gitna,

hanggang sa ating wakas

kaya pala ako nadadalian
alam na ang dahilan
inaamin ko,
ikaw ang gusto kong isulat

Tatlumpu't LimaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang