031

1 0 0
                                    

nagpalit na naman ako ng pabango
naamoy mo pa ba
iyong bulaklak na ibinigay
'yun pa rin 'yon
hindi nagbago

ako

hindi ko alam kung ilang talata na
ilang salita
ilang letra
ngunit patuloy pa ring sumusulat ang kamay
sinta

siguro

hindi pa rin ako uusad bukas
kahit ilang beses kong sinabi
ilang beses kong isinulat
ilang beses mo na ring nabuklat

tawanan mo ako

oo
tanga ako
hangal nang husto
hindi ko alam, ito ang tinitibok ko

pangalan mo

naamoy mo pa ba?
naaalala?
babalik at babalik ako sa'yo sinta
kahit ilang pagpaparinig pa ang ikinanta

hindi na maaalis
hindi ka makakalimutan
naging parte ka
parte ng buhay na marilag at dakila

Tatlumpu't LimaWhere stories live. Discover now