Hindi pa rin ako natatapos
Pero hindi ko na itutuloy
Tatanggapin ko na nang maayos
Na dito na ang apoyHindi na lalarga pa
Hindi na aalis pa
Hindi na gagalaw pa
Hindi naTatlumpu't lima
Ititigil ko naHindi na ako tutuloy pa,
Hindi na lalarga,
Kahit hindi nga kaya,
Itutuloy hanggang sa mawala kaGlea
Tatlumpu't limang pantig,
Iisa ang ipinapahiwatigAalis na ako sa gitna ng kalawakan mo,
Hindi na makikipagdigmaan sa trono
Hindi dahil hindi ko kaya
Kayang-kaya ngunit minsan ako'y mahinaTatlumpu't limang talata
Inihanda ng pusong gustong lumaya
Sa sariling lubid na ginawa
Itinali, iginapos, ang tatlumpu't limang makataKung gugustuhin kong igapos
Igapos mo ako
Sa talumpu't limang puting sinulid mo
Kung ano ang mapili, ayos lang, akoIsarado na ang libro
Tapos na ako sa'yo
Pinapangako ko
Wala ng ibang pahina ang susunod ditoSalamat sa labing isang buwan ng pagmamahal,
gigi
:))
Ilang beses ko na rin itong ibinuklat
Upang sumulat
Ngayon, wala na talaga
Hindi na ikaw ang hinahanap ng pusong ligawMagtitigan man ang mga mata
Hindi na kumikislap ang sa akin
Malaya na, hindi na nakakulong
Sa yakap na humihila sa akinNaputol na ang linya
Hindi na nagdagdag ng isa pa
Hindi na tumuloy ang pulang yarda
Nasunog na, sinunog ko nang tuluyanWala na
Malaya naNgayon ay masasabi ko na
Sa bawat ruta na tinigilan ng sasakyan
Sa aking hindi pagbaba sa byahe
Nagpasya akong pumara"Para, Glea"
Hindi ka na nagniningning sa mata
Hindi na ang tinitibok ng bawat pulso
Hindi na ikaw ang gusto ko
Hindi ka na iba sa ibaNgunit salamat, sa hindi ko pagbaba
Naramdaman ko ang tunay na ligaya
Na hindi ko naasam sa iba
Ngunit tama naTama na ang tatlumpu't limang linya
Ng dalawampu't isa mong bilang
Hindi na ikaw ang minimithi
Hindi na sa'yo ngumingiti^^
By writing this, wala na akong nararamdaman para sa'yo kaya siguro ang hirap tapusin. Pero kailangan ko nang isara ang libro, tapos na ang istorya ko sa'yo.
Hindi na tutuloy sa tatlumpu't limang talata, pagod na ako hahaha. Tigil na.