021

1 0 0
                                    

naiinis ako,

lagi na lang ganito
mag aalas syete na wala pa rin sa kwarto
masasaraduhan na ng gate
nag-iinit na naman ang ulo ko

naiinis ako,

baka kasi hindi ako makapasok
sayang yung medal na mapusok
dadagdag rin yun sa bigat ng leeg ko
alam mo naman na ganito ang gusto ko

naiinis ako,

pero ilang araw na,
ilang araw na akong naiinis
ngunit sa kada araw na yun
pagbaba ko'y ikaw ang nakikita, oh, langit

naiinis ako,
dati, oo,

pero ngayon,
hinihintay kong pumatak ang alas syete bago pumasok
para makita ka, tsamba
makasabay ka, tsamba
kahit hindi sinasadya

sana lagi pa rin
sana hindi nga rin,
hindi alam ang gagawin
kung makikita kang may kasamang papasok sa tarangkahan

kasi,
doon ako ulit maiinis

Tatlumpu't LimaWhere stories live. Discover now