PROLOGUE

352 9 6
                                    

"Sannacha Rose Crispreyez!" Nakakunot ang noo kong hinarap si Jimmie kailangan ba talagang banggitin ang buong pangalan ko?

Si Jimmie ay kaklase ko noong grade 12, hindi naman kami close at hindi rin kami madalas mag usap. Sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya kahit walang dahilan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala, anong ginagawa mo dito?"

"Wala" ikling sagot ko. Bumaba ang tingin nito sa hawak kong basket.

"Saan ka nag aaral?"

"Wala pa."

"Panong wala pa?" Bakit ang kulit ng taong ito? Bakit hindi nalang siya umalis at wag akong pakeelaman.

Napabuntong hininga ako at tumingin ng deretsyo sakanya.

"Bukas palang ako mag e-enroll." Deretsyo kong sabi. Inaasahan kong hindi na ito sasagot ngunit nag kamali ako.

"Bukas? Late kana sila Paolo-"

"Hindi naman ako LCU mag aaral." Inis kong sabi.

"Saan?" Napapikit ako.

"Bakit kailangan mong malaman?" Madaldal ako ngunit sa mga kaibigan ko lang. Kung saan lang ako komportable.

"Tinatanong lang ih. Saan ka mag aaral, anong course mo? Akala ko doon ka rin sa LCU kasi nandon sila Paolo, yung mga kaibigan mo."

"Hindi naman porket doon sila ay doon narin ako." Inis kong sabi, sa totoo lang ay naiinggit ako. Gusto ko rin doon pero wala akong magawa.

"Saan ka nga mag aaral?"

"Bakit ba kasi kailangan mong malaman? Kahit saan naman ako mag aral ay wala kana doon?" Nakakainis, napakakulit ng taong ito.

"Tanong lang."

"Sobra ka namang mag tanong daig mo pa ang imbestigador." Sagot ko at agad ko na itong tinalikuran. Nagtungo na ako sa cashier at isa isang nilapag ang mga kinuha ko para ma compute na kung mag kano lahat ng kinuha.

Mga school supplies lang iyon. Hindi pa nga ako nakakapag enroll pero pinapabili na ako ng mga kailangan ko. Mas lalo tuloy ako tinamad.

Pagabi na at kailangan kong bilisan ang kilos ko. Pagkakuha ko ng resibo ay agad na akong umalis, hindi ko narin inabalang dumaan sa mga kainan dahil baka mas lalo lang akong gabihin.

Habang pauwi ay naramdaman ko ang pananakit ng dibdib ko. Napapikit ako at napahaplos sa dibdib ko. Sobrang sakit at mas lalong sumasakit pa.

Pagkarating ko ng bahay ay kaagad akong dumeretsyo sa aking kwarto. Bumuhos ang luha ko at napaupo. Mas lalong sumakit ang dibdib ko pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin.

"Sannacha"

"Tita" Agad kong pinunasan ang luha ko at mabilis na tumayo.

"Anong nangyayari sayo." Napalunok ako at napaiyak. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pagiging iyakin ko.

"A-ano tita wa-wala." Umiiyak kong sabi.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito dahilan para mas lalong maiyak ako.

"Ano ka-kasi tita masa-masakit dibdib ko." Mas lalong lumakas ang hikbi ko at hindi ko alam paano ito pigilan.

"Ha! Gusto mo bang pumunta tayo ng hospital, ipapa check up kita." Mabilis akong umiling at pinunasan ang mukha ko.

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now