CHAPTER 2

282 6 3
                                    

Sannacha Rose Crispreyez

Kagigising ko lang at nagulat ako ng makita ang oras. 9:43 na! Hys anong oras na kasing natapos ang usapan namin ni sir Lucas kagabi. I think alestres na yun. Sabado kasi ngayon kaya siguro siya nagpuyat kasi walang pasok.

At pagkatapos namin mag usap ni sir kagabi ay nag breakdown pa ako. Nanood pa kasi ako ng tiktok videos at may napanood akong medyo may similar sa past ko. Kaya ayun bigla kong naalala yung mga nangyari noon sakin nasa probinsya pa ako.

Agad kong binuksan ang cellphone ko at agad akong napangit ng mabasa ang message niyang "Good Morning" grabi naman tong si sir pa fall. Mabilis ko itong nireplayan at maya maya lang ay nag send ito ng voice message, ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko ng marinig ang kanyang boses, the heck ang ganda ng boses niya. Kumakanta ito at hindi ko alam kung anong title, hindi naman ako naka focus sa song kundi sa boses niya.

Muli itong nag message at tinanong ang favorite song ko tatry niya lang daw kasi wala na siyang maisip na kantahin, hindi naman ako nag dalawang isip na sabihin ang favorite song ko na "Tonight by: Fm Static" and i was shock ng kantahin niya ito. Damn his voice ang ganda ang galing sobra. Ang sweet at lambing  ng boses niya.

Inlove na inlove na ako. Boses palang ay parang mahihimatay na ako sa kilig.

Pag katapos kong kiligin ay niligpit ko na ang aking higaan saka bumaba, day off rin ni tita kaya naabutan ko siyang nag luluto ng breakfast kaya dumeretsyo muna ako kay Miracle na busy sa panonood ng cellphone. Pinangigilan ko pa ito saka hinalikan ang buong mukha.

"Good morning baby."

"Good morning ate." Napangiti ako at muli itong hinalikan.

"Mahal!" Napatingin kaming lahat kay tita dahil sa kanyang pagsigaw, tumingin ako kay tito na halos katabi niya lang gusto kong matawa sa reaksyon nito dahil  parang nabingi na. Well sanay naman na ako na pasigaw talaga mag salita ang tita ko.

Napatingin ako kay Miracle ng tumayo ito at lumapit rin sa ref.

"Diba sabi ko bumili ka ng prutas." nanlaki ang mga mata ko. Lagot sinong kumain sa mga prutas, mukhang kailangan ko na atang bumalik sa kwarto ko. Kagabi kasi ginutom ako, kunti lang ako kumain ng kanin pero matakaw ako sa prutas.

"Eh bumili na ako, nilagay ko jan sa ref." Sabi naman ni tito na nakahawak parin sa kanyang tenga.

"At bakit wala don." high blood masyado, napalunok ako ng dumako ang tingin niya sakin. 

"Nanay kinuha mo ba ice cream ko." patay, ayan na si Miracle. Ano ba kasing pumasok sa isip nila at bakit ngayon sila nag hahanap ng mga bagay bagay na yan, umagang umaga, nasisira na kaagad ang araw ko. At ano rin ba ang pumasok sa kukote ko para kainin ang lahat ng prutas pati ice cream ni Miracle.

"At bakit ko naman kukunin." sabi ni tita na parang bata.

"Nasaan ang ice cream ko nanay, that's for Rysie." Rysie is her cousin.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa ibang parte ng bahay.

"Wait"

"Fine, tita ako ang kumain sa prutas at sa ice cream. Ako nalang bibili. Nagutom kasi ako kagabi 12:30AM, bumababa ako." Paliwanag ko. Sinara nito ang pinto ng refrigerator.

"Kanina pa ako nag sasalita dito, tapos ikaw lang pala ang kumain. Sana naman Sacha nagsalita ka kaagad."

"Sorry tita."

"Hayaan mo papa delever nalang ako. Miracle tama na muna ang ice cream may sipon at ubo si Rysie bawal muna kayo ng ice cream." Sabi nito sa kanyang anak. Sapilitang sumanggayon rin ang kanyang anak.

Nandito kami ngayon ni Miracle sa gilid ng kalsada gusto ko sanang mapag isa pero sumama naman siya para bwisitin ako, wala ba siyang matinong gagawin sa kanyang buhay. Napatingin ako sa chocolate na kinakain niya mukhang masarap pero hindi masarap masira pa ang ngipin ko kapag kumain ako non.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinag patuloy ang pagbabasa. Kahit nasaan talaga ako ay hindi ko maiwasang magbasa ng mga kathang isip na kwento. Kahit siguro mabungo ako ay ito parin ang iisipin ko.

Napatigil ako ng nag babasa ng pop up ang message ni Paolo at agad ko itong na seen kaya wala akong choice kundi replayan ito kaagad. Hindi ko pa man na sesend ang message ko ng tumawag na ito.

"[Hello, wala ka bang gagawin bukas?]" Bungad nito, napakunot naman ang noo ko sabay hila kay Miracle papasok sa loob ng bahay. Padilim narin at baka mamaya tumakbo pa siya at hindi ko mahabol.

"Wala naman, bakit?" Sagot ko. Curious tuloy ako mukhang may kailangan siya sa sakin.

"[Papasama sana ako sa starmall sa harap ng school namin.]" Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil  alam ko na kaagad ang kailangan niya sakin.

"Bakit?"

"[Wala kaming pasok ng 1 week pero may mga project ako at doon lang ako makakabili ng mga materials para sa project ko, para narin gumala.]" Dagdag nito, napangiti ako. Gagala na naman ako, nangangamoy ubos pera.

"Harap lang ng school niyo, bakit hindi kapa bumili noon may pasok kayo." Kunwaring inis na sabi ko, kahit ang totoo lang ay excited na naman akong umalis ng bahay.

"[Syempre nag iipon pa ako noon.]" Sabi nito napatango tango na lang ako at binuksan ang camera ko, natawa pa kami pareho ng buksan rin niya ang kanyang camera. Nakakatawa kasi talaga ang aming pag mumukha.

"Sige"

"[Good, alam ko namang hindi ka tatanggi, gala na yun e.]" Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi, tama naman siya at hindi talaga ako tumatanggi lalo na kapag gala ang usapan. At never talaga akong tumanggi sa lahat ng mga kaibigan ko.

"Syempre, what time pala." Tanong ko.

"[8:00AM sana.]" Ang aga pero ok na yun malayo din ang school nila magkasing layo sa school na papasukan ko. Mas ok na yung maaga para sulit yung gala.

"Saan meet up?"

"[Central]"

"Ang aga naman, baka iwan moko kapag wala pa ako sa ganyang oras ha." Maktol ko, traffic rin kasi papunta doon. "Saka saan ako sasakay, hindi ako marunong mag jeep." I honestly said, hindi talaga ako marunong. Mahiyaan kasi akong person.

"[Tuturuan kita mag jeep, haynaku college na e, hindi pa marunong mag jeep, wag kang mag tricycle ha, kukutusan talaga kita. Magtipid ka rin.]" Sermon pa nito. Kailan pa kaya ako makakaipon? At pano ako mag iipon?  Isang yaya lang ng kaibigan ko ay sige kaagad ako. Kailan kaya ako tatanggi sa mga galaan?

Hirap maging gastador, para akong may galit sa pera.

"[At isa pa lagi ka namang on time kaya malabong ma late ka.]" Sabi nito napangiti naman ako.

"Sabagay" I agree. Never pa akong na late sa galaan, sa school oo.

"[Sige]" sabi nito sabay kindat kaya gumanti rin ako ng kindat. Napakunot ang noo nito kaya natawa ako. Mamaya lang ay tinawag na siya ng kapatid niya kasabay rin ng pagtawag sakin ni Miracle para lang ipabukas ang biscuit na hawak niya. At pag ka end ng usapan namin ni Paolo ay nag ingay na naman ang gc namin na pinapangunahan ang ng isa kong kaibigan na si Janet.

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now