CHAPTER 3

275 6 0
                                    

SANNACHA

"Grabi ka sakin. Ubos na ubos na pasensya ko kakahintay sayo. Kanina pa ako dito mga 7 pasado. Halos pinaghintay mo ako ng mahigit one hour." Inis kong sabi. Kararating niya lang kasi ine expect ko pa naman na siya ang mauuna dito sa central.

"Sorry na traffic." Sagot nito habang palapit ng palapit sakin. Kanina pa ako naghihintay sakanya at halos tadtarin ko na siya ng mura sa chat. Ubos na talaga pasensya ko lalo na kapag pinaghihintay ako. Lagi nalang.

"Sorry, hindi ko naman alam na ganon pala kalala ang traffic umalis naman ako ng maaga samin. Buti nga nakita ko pa si papa kaya nagpahatid nalang ako dito. Hindi ko rin naman siya pwedeng utusan na paliparin yung motor para makarating kaagad dito."

"Hinatid ka ng papa mo?" At kahit kasasabi lang ay mag tatanong ulit ako. Ganon ako unli.

"Oo" ikling sagot nito at naupo sa tabi ko. Hindi na ako nag reklamo ng hablutin niya ang cellphone ko.

"Wala ba akong hug." Mahinang sabi nito na halos ibulong na sakin. Napalunok ako, hindi ko alam pero bigla akong nailang. First time niyang manghingi ng hug at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Ha" para akong naestatwa na kinauupuan ko ng yakapin niya ako. Kahit nalilito ay gumanti nalang ako ng yakap. Ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit ka ba naka jacket ang init init na nga ng panahon. Ano yan dagdag porma para estetik tignan?" Natatawang tanong ko.

"Ang totoo niyang masama pakiramdam ko, pero gusto ko gumala ngayon kaya goo lang, lagnat lang to hindi niya ako mapipigilang gumala." Proud pa niyang sabi.

"Sira ulo, may lagnat kapala. Baka mabinat ka. Sana sinabi mo kaagad para hindi na tayo tumuloy. Baka mamaya mapano kapa. Uwi nalang kaya tayl at wag ng tumuloy. May bukas pa naman e. Or sa ibang araw nalang kapag maayos na ang pakiramdam mo."

"Concern ang Sannacha na yan?" Natigilan ako sa tanong nito. Napakurap ako at biglang na realize ang mga sinabi ko.

"Syempre, may puso rin naman ako kahit masama ugali ko. Concern parin ako sa kalagayan mong gago ka. Kaibigan kita e." Umiwas ito ng tingin. Napalunok ako, concern lang talaga ako bilang kaibigan niya.

Tumingin na lamang ako sa mga e jeep na nakaparada dahil naiilang na talaga ako. Matagal na kaming magkaibigan ngunit ngayon lang ako nailang.

"Ano tara na." Yaya ko sakanya.

"Sandali hintayin muna natin si Isaac. Malapit na raw siya." Napapikit ako at gustong mag mura. Na naman, for real pinag hihintay talaga ang isang katulad ko.

"Na naman, mag hihintay na naman. Hanggang anong oras na naman. Nyeta yung pasensya ko parang buhok na ni Boy Abunda." Inis kong sabi. Napatingin ako sakanya na busy na nag pi-picture gamit ang cellphone ko. "Puno na naman storage ko." Bulong ko

"Malapit na raw e." Sabi nito ng hindi tumitingin sakin.

"Iwanan na natin. Sobrang naiinip na kaya ako. Hindi ko bagay na naghihintay ng ganito katagal." Natawa ito. Si Isaac ay classmate rin naman na dating shini ship niya sakin. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kalakas ang trip niya ni hindi nga kami close non.

"Kunting kunti nalang talaga. Malapit na sobrang lapit na." Inirapan ko ito ng paulit ulit at muntik na akong mapasigaw ng takpan niya ang mga mata ko gamit ang palad niya. "Tigilan mo yan, sige ka pag nahanginan yan hindi na babalik sa dati ang mga mata." Tumatawang sabi nito. Ang sinabi niya ay naririnig ko lang sa mga matatanda noon.

"Kamusta pag aaral." Pag iiba niya ng usapan at sa wakas ay pinakawalan na niya ako. Umakto naman ako na parang nag iisip dahilan para matawa ito.

"Anong kamusta, e wala pa nga kaming pasok."

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now