CHAPTER 6

265 6 0
                                    

SANNACHA

Pag karating namin sa sm ay dumeretsyo muna kami ng cr, para umihi? Nah, you're wrong baby. Para mag picture. Yun talaga ang purpose ng cr ng sm.

Sunod naming pinuntahan ang food court. Para kumain? Nah, para tumambay lang at mag pahinga. Mag patuyo dahil parehas kaming basa. Hindi na namin inisip kung mag kakasakit kami ang importante nandito kami sa sm. Kahit malamig ay go parin. Walang hahadlang sa desisyon ng isang Sannacha.

Gusto kong patakbuhin ang orasan.

Gusto kong umalis na itong kasama ko.

Gusto ko na siyang makita.

I can't wait na.

Full of excitement ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tara sa sport zone, gusto mo maglaro. Lalamigin tayo ng malala dito kung di tayo gagala." Napatingin ako sa kasama ko. Sabagay baka mamaya maging yelo na kaming dalawa dito.

"Basketball?" Tanong ko. Gusto kong mag papawis gusto kong mawala ang lamig na bumabalot sa buong katawan ko.

"Hindi ka ba nagugutom?" Muling tanong ko. "Kumain muna kaya tayo bago tayo pumunta ng sport zone. Nagugutom na kasi ako, hindi rin kasi ako nag almusal." Pag amin ko, para naman mabawasan ang sakit ng puson ko. Nauuhaw narin ako. Natuyo na lalamunan ko kakangiti sa chat ni Sir.

"Sige go lang, nagugutom narin ako." Tinanggal ko muna ang face mask ko at ngumiti sa kanya. Same rin kami ng favorite. Bida bida siya e kaya dahil jan doon kami sa bida ng saya. Of course sa Jollibee.

At dahil hindi ako marunong mag order ng food ay siya nalang ang inutuaan ko. Oh diba ang kapal talaga ng mukha ko. Nang uutos na sa di kilala. Huh? Ano ulit name niya? Napatampal ako sa sariling noo dahil sa kabobohan ko. Marunong naman daw kasi siyang mag order at siya na mismo ang nag presintang mag order. Samantalang ako ay nag hanap ng mauupuan. Bida bida kasi itong si Jollibee ang daming tao halos wala ng maupuan. Wala akong choice kundi mag abang ng mga tao na patapos ng kumain para kami na ang susunod na gagamit ng upuan.

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas dumating narin ang order. At dahil sa gutom kami ay mabilis lang namin naubos ang food.

"Ano ulit pangalan mo?" Tanong ko. Natawa naman ito.

"Jennelyn, chinat mo na nga ako tapos hindi mo pa pala alam ang name ko." Natatawang sabi nito. Noong chinat ko siya ay para lang makasabay ako pagkatapos nung mag reply siya at nag meet up na kami ay wala na akong pake at hindi ko na tinignan ang name niya.

"Nakalimutan ko, sorry." Pag dadahilan ko pero sa totoo lang wala talaga akong pake. Pero in fairness mabait siya. Pero una palang naman ito baka pag nag tagal ay lalabas na ang true color niya. Ganon naman kasi talaga ang iba. Sa una lang mabait pero kapag nag tagal na ang friendship niyo ay lumalabas na ang tunay na ugali. Hindi ko gusto ang mga taong ganon. Gusto ko kapag unang meet up ipakita na kung ano talaga siya. Ipakita ang tunay na ugali. Hindi yung plastic na pagkatao ang ipapakita.

May trauma ako sa mga taong ganon.

"Tara na sa sport zone." Yaya nito. Tumango nalang ako at sumunod sakanya.

20 pesos lang ang binili kong tokens dahil yun lang ang afford ko dahil mas afford ko ang chatime milk tea. Gusto sa pagkain at books nauubos ang pera ko hindi sa bagay na walang kwenta.

Panay ang silip ko sa cellphone ko. Finally 30 minutes left bago mag 3pm. I'm so excited. Nah! Nah! Really excited ang ferson na makasama sa gala at crushicakes niya.

Nakadalawang round ako sa basketball at super na nag enjoy talaga ako. Natuyo narin ang pants at damit ko. Hindi narin ako nakakaramdam ng lamig. Dahil pinag papawisan na ako. Kaya tumigil na ako ayoko kong mangamoy pawis kapag kasama ko na siya. Nakakahiya yun!

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now