CHAPTER 7

263 6 1
                                    

SANNACHA

Online class lang ako ngayon, pero ayoko dito sa bahay. Boring din ang klase dahil puro pakilala lang ang naganap.

"Class sure niyong puro section A ang lahat ng nandito ha. Paki pasa nalang din sa google classroom ang certificate of registration niyo." Napatayo ako mula sa pag kakahiga sa kama at hinanap ang cor ko. Napamura ako ng makita Section B ako. So ibig sabihin section A yung kasama ko kahapon. Napatakbo ako sa phone ko at mabilis na nag left sa klase. Sunod sunod akong napamura at pinuntahan ang facebook page ng school namin. Hinanap ko ang mga teacher ng bawat section ng first year marketing. Wala akong mahanap kaya si Sir nalang ang chinat ko.

From: Jayven Lucas
Message:  patingin ng ang cor mo. Pic mo yung malinaw ha.

Agad kong pinicturan ang cor ko at sinend sakanya.

From: Jayven Lucas
Message: Kay ma'am Rosie ka. Pero hindi kami close non. Siya professor sa buong marketing.

Rosie Ann Margret siya ang professor ng BSBA marketing section B, but wait professor din siya sa Section A.  Grabi naman sino mga classmate ko.

Ang shunga ko talaga kahit kailan.

Hindi ako mapakali habang naghahanap ng mga marketing student sa comment section ng post ng school namin.  Napabuntong hininga ako at napasabunot sa sariling buhok.

Napakunot ang noo ko ng may mag message sakin. Hindi ko iyon kilala pero nag aaral kami sa parehong school.

From: Alexander Hamilton
Message: Pwede mag tanong. Section A ka miss?

To: Alexander Hamilton
Message: hindi po pero may mga group chat ako ng Section A dahil naligaw ako ng section. Section B pala ako.

From: Alexander Hamilton
Message: Palit tayo HAHAHA
Section A ako pero nandito ako sa section B. Pa add nalang miss add nalang nadin kita sa mga gc ng section A. Salamat.

Nakaganhawa ako dahil doon. Buti nalang talaga.

From: Alexander Hamilton
Message: May face to face kayo ngayon 10:00Am to 12Pm.

Napatingin ako sa oras. Tangina!
Mag na-9 na po. Hindi ko na siya nireplayan at kaagad na kumilos. Nakapasok nga ako nga sa group chat ng mga tunay kong kaklase pero mukhang malalate naman ako dahil sa katangahan ko.

Naligo ako na parang uwak. Nagmamadaling kumain. At ng makarating ako sa sakayan ay doon ko lang narealize na walang laman ang nadala kong bag. Wallet at cellphone lang dala ko na nasa bulsa ng pants ko. Pero hindi na ako pwedeng bumalik ng bahay dahil 9:30 na.

Ng matanaw ko ang isnag jeep ay agad akong kumilos at pumunta kung saan ito hihinto.

Malakas akong napasigaw ng may mabilis na sasakyan na dumaan. Sobrang lapit ko at muntikan na talaga ako. Gulat na gulat at ramdam ko ang takot sa buong katawan ko. Tumayo narin ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay humiwalay narin ang kaluluwa ko sa katawan ko.

"Mag ingat ka iha, muntikan ka na doon. Gago ang driver non hindi man lang nagbusina." Sabi ng isang mama. Hindi ako nakasagot dahil tulala parin ako sa nangyari. Hanggang sa nalamalayan ko nalang ang sarili kong papunta na sa school habang tumutulo ang luha. Nanginginig parin ang buong katawan ko.

Tulala at hindi makapag focus. Nakasunod lang ako sa galaw ng professor namin pero hindi ako nakikinig. Napasulyap ako sa cellphone ko.

"Class, who is God?" Tanong ng professor namin. Ngumiti ito. "Assignment niyo yan." Dagdag nito. One hour lang yung klase niya.

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now