CHAPTER 1

290 7 1
                                    

Sannacha Rose Crispreyez

Pagkapasok ko palang ng gate ay kaagad na akong dumeretso sa guidance at nakita ko kaagad si sir Lucas na busy sa pag aasikaso sa mga ibang studyanteng nag eenrol. Sa sobrang tangkad niya ay kita ko kaagad siya kahit sobrang daming tao. At bawat pag pasok niya sa guidance office ay nakayuko pa siya. Grabi naman ang tangkad ng taong ito. Sana i donate niya sakin ang ibang tangkad niya.

Palahi

Charot!

Simula noong nag start akong magbasa ng Wattpad ay parang gusto ko naring gawing malawattpad ang buhay ko. At gusto ko ay 5 to 10 years ang agwat sa age ko. Yung matured na mag isip ayoko ng mas bata sakin dahil baka mag pabebe lang at immature pagdating sa relationship. Baka pag nangyari iyon ay hindi talaga mag tatagal ang pag mamahalan namin. But now ay wag muna ayoko muna matali sa isang relationship ngayon. Malandi lang ako pero natatakot talaga akong mag kajowa. Pero-

Dumeretso kaagad ako sakanya.

Actually hindi ito ang tamang schedule ko para sa aking interview dahil ta-tanga tanga ako hindi ako nag vi-visit sa facebook page nitong aming school.

Kung hindi pa ako uutusan ni sir Lucas na i visit yung facebook page ng school ay hindi ko pa malalaman.

Sa wattpad lang din kasi nakatuon ang aking pansin minsan. At minsan lang din mag scroll scroll sa facebook.

"Sir" tumingin ito sakin na parang hindi ako maalala.

"Si Sacha ba ito?" Pabirong umiling ako.

"Hindi po." Natatawa kong sagot. Ngumiti naman ito at mukhang naalala na ako.

"Sorry ha, hindi na ako nakapag reply sayo. Busy kasi." Paghingi ng paumanhin nito habang nakangiti. Ito na naman siya lagi na naman siyang nakangiti. Nakakahawa na naman.

"Ok lang po." Magalang kong sagot at nilibot ang tingin, at para narin iwasan ang tingin nito sakin. Hindi ko ata kayang makipag laban ng titigan sakanya.

"Saan ka nga ulit pupunta?" Tanong nito dahilan para mabalik ko ang tingin ko sakanya.

Pakiramdam ko ay parang malalaglag ang puso ko dahil sa pag wawala nito. Napalunok ako ng yumuko ito at ilapit ang mukha nito sakin. Mukhang hindi niya ata naiintindihan o naririnig sinasabi ko dahil ang laki ng distansya ng height namin. Tapos maingay pa ang paligid.

"Papa interview po and mag te-take ng entrance exam po?" Kabadong sabi ko.

"Makinig kang mabuti ha, kita mo yang building na yan." Turo niya sa kaharap naming building. Tumango ako.

"Punta ka sa second floor then makikita mo yung nakasulat na library doon. Doon yun." Napatango tango ako at lumayo ng kaunti sakanya. "Wag kang kabahan hindi naman mahirap ang mga tanong sayo."

"Kaka wattpad mo dimo na alam kung pano mag enroll." Natatawang sabi pa nito. "Tingin tingin din sa facebook page minsan para alam mo kung kailan ka pupunta dito sa school."

"Sorry po." Natatawa kong sabi.

"Kulit mo noh, sabagay hindi ko nga pala nasabi sayo na i popost sa facebook ang schedule niyo." Yan tama yan, aminin ang mali! Syempre kung mali ako ay dapat may mali rin siya. Mali naman atang ako lang yung mali diba?

"Sige na punta ka na doon." At dahil nabingi ako ay napatingin ako sakanya ng may pag dududa. Bigla akong kinabahan dahil baka maligaw ako. Tanga pa naman ako. Medyo hindi ko na magets ang una niyang sinabi.

CDS 5 Love Can WaitWhere stories live. Discover now