Chapter 8

8 3 0
                                    


D

alawang araw na ang lumipas simula no'ng nagpachek-up ako kay doctora Joyce. Linggo na at dahil sarado ang hospital ngayon dahil weekend, nasa bahay lang ako.

Tuwing naglalakad ako ay ginagamit ko ang saklay dahil naka elastic bandage pa din ang binti ko.

Hindi din naman ako lakad nang lakad dahil pinagbawalan naman na ako ng doktor. Mas mabuti na din 'yon, para hindi lumala ang binti ko.

Kaya lang, dahil nga weekend wala akong magawa. Tuloy, nakatunganga lang ako dito sa kwarto ko.

Nagdudutdot lang ako ng cellphone ko atsaka nag ii-scroll sa facebook, instagram, twitter, o 'di kaya tiktok.

Sa gitna nang pag-scroll ko sa facebook ay nadaanan ko ang sharedpost ni Archie na picture ng porkchop na pinatungan ng onions sa ibabaw na may kanin sa gilid at may mais.

Ang caption pa ni Archie doon ay 'Ackkk craving 4 dis!' Syempre, bilang isang mabuting bestfriend na maganda, nag-react ako ng heart emoticon sa post na 'yon ni Archie.

"Alam ko na!"

Mula sa pagkakahiga, agad akong umupo sa dulo ng kama ko. Maingat at kontrolado ang bawat galaw ko para hindi masobrahan sa galaw ng mga paa ko.

Dahil wala naman akong gagawin ngayong linggo, mas ayos na din siguro kung magluto na lang ako.

Sinuot ko ang tsinelas ko at hinablot ang saklay ko. Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil ang suot ko naman ay pastel yellow na t-shirt na may design na adventure time. Naka fitted short naman ako na kulay blue, hindi ito gaano maikli pero kita pa din ang nakabalot na elastic bandage sa kanang paa ko. Suot ko din ang shoulder bag ko dahil doon nakalagay ang cellphone at wallet ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko habang ang saklay ay nakaipit sa magkabilang kilikili ko. Pasipol-sipol akong naglalakad papunta sa sala.

Sakto naman at nasumpungan ko agad si ate Valerie na nakaupo sa sahig habang ang laptop at mga papel na naglalaman ng kung anong sulat ay nagkalat sa maliit na lamesa sa sala.

Napatingin siya sa gawi ko at pinagtaasan pa ako ng isang kilay. Kagat-kagat din niya ang ulo ng ballpen na hawak niya.

"Saan punta mo?" Tanong niya habang nginangatngat ang ballpen na hawak niya.

Napa-iling na lang ako dahil sa kadugyutan ni ate Valerie. Nagsimula na akong maglakad palampas sa kaniya.

"Grocery lang po." Saad ko nang hindi tumitingin sa kaniya dahil busy ako sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin.

"Kaya mo ba?"

Saka lang ako tumingin kay ate Valerie mula sa repleksyon niya sa salamin. Nginitian ko si ate Valerie saka tumango ako.

"Oo naman, 'no. Yakang-yaka ko 'yan!"

Napailing na lang si ate Valerie bilang sagot habang ako naman ay bumungisngis lang sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang na kaya mo talagang mag grocery nang nakasaklay ka, ha. Pag ikaw nadukutan, ihanda mo na tainga mo dahil paduduguin ko 'yan gamit boses ko."

Grabe! Kahit kailan talaga ang brutal niya!

"Parang 'di kapatid, ah." Bulong ko.

"Ano?"

"Wala!"

Hindi naman na ako kinulit ni ate Valerie dahil mukhang busy siya sa mga ipapasa niya sa prof. nila.

Grabe nga siguro ang college life. Parang ayaw ko na lang tuloy mag-aral. Feeling ko mas maganda kung mag-aasawa na lang ako ng mayaman tapos uugud-ugod na.

A Love To WhisperWhere stories live. Discover now