Chapter 22

3 0 0
                                    

Tahimik akong nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa katapat na couch na inuupuan namin ni Arthur. Pagkatapos ng nangyari kanina, ang lalaking pumutol sa pagkukuwento ni manang Lourdes kanina. Napag-alaman ko na ang lalaki pa lang iyon ay ang tito ni Arthur na ang pangalan ay Renato Martinez na kapatid ng mama ni Arthur.

Napag-alaman ko rin na si sir Renato Martinez pala ay isang business man na mayroong tatlong kompanya dito sa pilipinas at lima naman sa ibang bansa. Wala rin daw itong pamilya dahil hindi pa naman ito kasal at na sa 40's pa lang ang edad pero kahit na 40 na siya, hindi pa rin halata na may edad na siya dahil sa taglay niyang kaguwapuhan.

Matangkad, makisig ang katawan, mestizong-mestizo, matangos ang ilong, manipis ang labi, mapungay ang mga mata at makapal ang kilay. 'Kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan ni sir Renato Martinez sa suot niyang plain blue na polo brown na trouser. Bumagay rin ang buhok niyang buzzcut sa kaniya at hindi makakaila na may lahi ito.

"Uncle, i didn't know you were coming." Basag ni Arthur sa katahimikan na kanina'y bumabalot sa amin.

Napa-krus na lang ng braso si sir Renato Martinez atsaka sumandal sa sandalan ng kaniyang kinauupuang couch. kanina pa siya tahimik habang ang mga mata ay nakatutok sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mailang dahil sa paninitig na ginagawa niya. Bago siya mag-salita ay umismid pa siya bago tumingin kay Arthur.

"Yeah, no one knew because i didn't tell anyone." Baritono at malalim ang boses ni sir Renato Martinez.

"Not even mom?" Tanong ni Arthur.

"Not even Alessandra." 

Sandaling hindi nakaimik si Arthur. Nanatili lang siyang nakatingin sa kaniyang uncle Renato Martinez, animo'y mainam na sinusuri kung ano ba ang totoong pakay nito para magtungo rito nang wala manlang sinasabi sa kahit kanino. Cool namang nakaupo si sir Renato Martinez habang nilalaro ang wine na na sa glass na baso na hinatid kanina ni manang Lourdes.

"Who is she?" Biglang tanong ni sir Renato Martinez habang nakatingin sa akin.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Arthur, parehong hindi alam kung ako ba o siya ang magpapakilala sa akin pero bilang isang bida-bidang tao, tumayo ako saka yumuko habang pasimpleng kumamot sa aking batok.

"Schoolmate po ako ni Arthur... A-ah ano---" 

Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang muling mag-salita si sir Renato.

"Anong ginagawa mo dito, babae?" 

Napadiretso ako ng tayo at agad napalingon kay Arthur nang marinig ko iyon. Napailing-iling na lang si Arthur saka hinimas ang kaniyang sentido bago tumayo at naramdaman ko na lang ang pag-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sunod niyang ginawa.

HINAWAKAN NIYA 'YONG KAMAY KO!

Pakiramdam ko ay para akong na sa ulap habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Hinila niya pa ako palapit sa kaniya hanggang sa mag-dikit ang balikat namin. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko ngayon dahil sa kilig.

Natigil lang ang nararamdaman kong iyon nang biglang mag-salita si Arthur habang ang mga mata ay seryosong nakatutok sa kaniyang tito Renato Martinez.

"She has a name, uncle."

"My bad, i didn't mean to offend you nor your girlfriend." Tugon ni sir Renato Martinez nang mayroong mapaglarong ngisi na naglalaro sa kaniyang labi. Tila hindi naman nagustuhan ni Arthur ang inasal ng kaniyang tito. 

"What brought you here, uncle?"

"For a business meeting. My company will be having a collaboration with a well-known car company here in the philippines and i need to attend the meeting, you know?" Pagkatapos ay maingat niyang binaba sa lamesa ang kaniyang inumin bago muling nagsalita. "Anyway, i just dropped by para kamustahin kayo. Tell your mom i said hi."

A Love To WhisperWhere stories live. Discover now