Chapter 2

1.1K 100 5
                                    

Kumakabog parin ang dibdib ko kahit nakalabas at malayo na ako ng comfort room. Grabe naman kasi yong babae na yon - napakafeeling masyado. Napala assuming, porket na tignan lang.

Maganda sana kaso suplada lang.

Grabe first day ko palang pero parang dami ko ng struggle. Kaya ang hirap maging transferee - marami dapat iconsider. Bagong pakikisama sa iba't ibang klase ng tao.

Hay. 2 years nalang.

Pero tiis nalang, matatapos ko din ito.

"Silvana!" Sigaw ni Aurora sakin na tumatakbo palapit sa direksyon ko kasama si Sebastian na humahampas ang mga balakang kaliwa kanan. "Kanina ka pa namin hinahanap!"

Nagtataka ko naman silang tinignan. "Bakit?"

"Kasi.." Habol hininga si Aurora. "Hinahanap ka ni.."

"Ni?"

"Si Leslie!" Sagot ni Sebastian na may halong kilig.

Iisang Leslie lang naman ang kilala ko sa School na to. "Ah si Leslie? Bakit nya ako hinahanap?"

"Girl." Shock akong pinagmamasdan ni Aurora. "Super casual naman ng reaksyon mo. Leslie is Rank number 2!"

But it only confuse me more.

Anong the Rank naman yan.

Lumapit sakin si Sebastian. "Aurora.." Salita nya. "Bago palang si Silvana sa school at wala syang alam sa The Rank." Anong pinagsasabi nitong mga bago kong kaibigan. "I'll explain everything to you."

But since ilang minuto nalang ay mag sstart na ang class namin ay pinaliwanag na nila sakin ang lahat habang naglalakad.

"Sa Saint Timothy, may The Rank system." Sebastian starts off. "The Rank is about beauty, popularity and money."

Napakamot nalang ako sa kilay ko. "For girls only?"

"Yes." Agad na sagot ni Aurora. "Every Friday ang voting. Pupunta tayo sa gym to vote, isusulat ang pangalan ng babae na sa tingin mo ay pinakamaganda for you in this school."

Biglang natawa si Sebastian. "At nakasama sa bilang si Aurora before."

Pero tinulak sya ni Aurora. "Siraulo ka eh, binoto mo ko."

"Eh bakit ba." Sebastian shrug his shoulder. "Maganda ka naman talaga."

I look at Aurora, indeed she's pretty lalo na yong dimple nya. "Hey, maganda ka." May kinuha si Aurora sa bulsa nya at inabot sakin. "Ano to?" Takang tanong ko habang tintignan ang palad ko. "Piso?"

"For the compliment." Sagot ni Aurora.

Natawa ako sabay balik ng piso sa kanya. "Totoo naman kasi."

At habang naglalakad kami sa hallway ng kabilang building ay may natanaw akong soccer field at may naglalaro - ang dami ding nanunuod.

"And after ng butohan sa Friday, sa Monday may bagong na ulit top 5 sa The Rank." Pagtutuloy ni Sebastian. "Pero ang Top3, 2 at 1 ay hindi na nababago."

"Bakit?" Curious ko na tanong na titig na titig sa mga nagtatakbuhan sa soccer field.

"Kasi silang tatlo ang pinakamaganda." Si Aurora ang sumagot. "Rank 3 is Olivia, she's actually nice."

"Leslie is Rank 2." Dagdag ni Sebastian. "She's is the sweetest, friendly - the Miss congeniality." Sobrang paghanga nya and i believe him because Leslie is really nice. "At kabaliktaran ng ugali nya ang Rank 1."

At nakita ko ang babae kanina sa comfort room na naglalaro sa soccer field. Sipa sipa nya ang bola habang tumatakbo. Grabe parang nag slowmo ang lahat sa paligid, even yong pawis nya.

The Rank 1Where stories live. Discover now