Chapter 8

1.1K 106 24
                                    

I don't know how i do it pero kinaya ko si Madison na ihiga sa kama nya. She's a little taller than me, slim but heavy - ano ba kinakain ng babae na to’ bat ang bigat?

After checking her temperature ay tinawagan ko si Ate Rare to ask what next to do. Natataranta na kasi ako at hindi makapag-isip ng maayos. She told me everything step by step and i obliged eagerly and carefully.

Mapula ng mukha ni Madison dahil sa taas ng lagnat kaya nilagyan ko sya ng basang bimpo sa noo. "You'll get better." I whisper to her kahit tulog sya. "I promise to take care of you."

"Mm." Pag-ungol ni Madison as if she response to me.

Hinayaan ko munang matulog si Madison para makapagpahinga sya ng maayos. Saka ko nalang sya papainumin ng gamot pagkagising.

Ay sh*t walang paracetamol.

Kaya nagmamadali akong umalis para bumili ng gamot. Mabuti nalang at may malapit na drug's store sa school. Dumaan muna din ako sa isang coffee shop bago umuwi - i need caffeine in my body — just in case na kailangan kong magpuyat para bantayan si Madison.

Palabas na sana ako ng coffee shop pero may biglang bumangga sakin na babae na hindi tumitingin sa harapan nya — kaya ayon, tumama ang kape ko sa damit nya.

"Ouch! It's hot." Pinapagpag ng babae ang damit nya. "It's hot."

Dahil sa pagkataranta ay pinagpag ko nalang din ang damit nya. "I — I'm sorry."

Wala na akong pakialam kung ano ang mahawakan ko.

Pero biglang pinalo ng babae ang kamay ko. "Don't touch me!"

"But —"

I can't see her face dahil nakasuot sya ng sunglasses. "You are touching my boobs."

Kaya napatigil ako. "Sorry, I'm just helping out."

Pagalit na inalis ng babae ang suot nyang sunglasses. "You are not helping lady." She is pretty to be honest and furious at the same time. "Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang damit ko? This cost thousands."

"How much it is then?" I ask without blinking.

Hell sure i can pay it up.

The lady looks up at up and down. "Oh, student from Timothy — you are probably rich."

"No, I'm not." Sagot ko naman. "Do you mind if i buy you a new shirt?" Then i remember something. "Oh, i have extra shirt in my car."

"The latter is fine, nagmamadali din ako." Sagot nya sakin.

At pumunta kami sa kotse ko, kinuha ko sa backseat ang paperbag kung saan ko nilalagay ang mga spare ko na damit just in case.

"Here." At inabot ko sa kanya ang damit ko. "Give me your bank account, I'll send you the —"

Agad kinuha ng babae ang hawak ko na damit.  "No need." At pumasok sya sa loob ng kotse ko and change her top at agad din namang lumabas. "Be careful next time Lady."

"Ikaw hindi tumitingin eh." Bakit pa kasi ako nangàtwiran.

Her eyebrow raise at me. "What did you say?"

Ay, mabuti hindi narinig. "Wala." I smile at her weakly. "Again, I'm really sorry."

Sinuot nya ulit ang sunglasses nya. "I hope you are really sorry — "

"Stella!" May dumating na babae na may bitbit na mga pagkain. "Kanina pa kita hinahanap. Tara na. Kanina pa sila naghihintay satin."

At walang lingong likod na umalis na sila.

The Rank 1Where stories live. Discover now