CHAPTER 1: Phantom Thief

4.1K 84 11
                                    

Eli's POV

"Magnanakaw! Guard! Tulong!" narinig kong sigaw ng babaeng may-ari ng isang malaking jewelry shop na pinagnakawan ko. She's chasing me as she runs at full speed together with her guards. Grabe may ability ba sya na malakas ang boses niya? Tsaka kung di ba naman tatanga-tanga yung mga guard nila di sana naabutan na nila ako.

I stopped for a while kasi hindi ko na talaga kaya pang tumakbo napatukod ako sa mga tuhod ko while chasing my own breath, ikaw ba naman mag sprint ng ilang meters nang walang hinto hinto. 

Nakita ko naman sa peripheral view ko na malapit na sila sakin, now they leave me no choice.

Itinutok ko ang kamay ko sa direksyon nila and formed it to fist. Napatigil naman sila sa pagtakbo while holding their necks and stared at me wide eyed. I took that chance na tumakas with my hand still formed into fists hanggang sa may nahagip akong isang eskinita sa di kalayuan bago ko binilisan agad ang pagtakbo ko at nagtungo doon.

Napasandal ako sa pader sa sobrang pagod dahil sa pagtatatakbo ko, inangat ko ang kamay ko and as soon as I spread my fingers alam kong bumalik narin sa normal na paghinga nila. Nang naging relax na ang pakiramdam ko, pinikit ko agad ang mga mata ko at inilarawan sa isip ko ang opisina ng taong nag utos sakin nakawin ang bagay na nasa loob ng backpack ko ngayon.

After 3 seconds I opened my eyes only to find out na nandito nako sa opisina niya. And there, I saw him sitting on his swivel chair wearing an evil grin. Tss.

Inayos ko ang mask ko bago lumapit sa kanya. Kailanman hindi ko ipinapakita sa mga "clients" ko ang maganda and oh-so-perfect kong mukha, I don't want my identity be revealed I want to be mysterious to people kaya nga hanggang ngayon hindi parin nila malaman ang gender ko. I'm that awesome. 

"Impressive. I only gave you 30 mins. But you finished it only by 15 mins." I know, di mo na kailangan ipagduldulan pa sakin, "So where's the crown?"

I immediately opened my bag and handed the crown to him. I'm really confused kung bakit korona ang pinanakaw niya sakin. I mean, duh, lalaki kaya sya at andaming mamahaling wristwatch doon sa jewelry shop tapos korona ang pinanakaw niya sakin? Hmmm kaduda si koya.

I was shocked of what I saw as soon as I handed the crown to him, woah dude nag sparkle ang mata niya o namalikmata lang ako?

Mabilis pa sa alas kwatro binigay niya ang 10,000 sakin. Naaliw na siya sa kakacheck sa korona so I decided to teleport to my place and as soon I my foot landed on the wooden floor of my house bigla akong nakaramdam ng sakit sa kanang dibdib ko. Oh no, not again. I'm starting to catch my breath kaya inalis ko agad ang mask as I tried to get some air.


"Teka, pwede t-time out m-m-muna ngayon?" nahihirapang sabi ko habang sapo sapo ko ang kanang dibdib. Mahina akong naglakad papunta sa mesa at napatukod rito. 

Sumigaw na ako nang mas lalo itong sumakit at bumagsak na ako sa sahig. I curled my body as I tried to endure the pain. Hindi ko na maiwasang umiyak. Tiningnan ko ang kanang dibdib ko and there I saw my birthmark glowing.


"Happy thoughts Eli, think of happy thoughts" kahit hirap na hirap nako nagawa ko pang i-encourage ang sarili ko. 


Sana andito ka ngayon mama nahihirapan po ako.


Buti sana kung simpleng sakit sa puso lang to dahil makokontrol ko pa ang puso ko para mawala yung sakit.  But unfortunately, not, dahil ito mismong birthmark ko ang sumasakit. Pormang diamond ang birthmark ko at may pagka orange ang kulay nito. Di ko nga malaman ang dahilan kung bakit sumasakit 'to, nagsimula kasi tong sumakit noong 13 years old ako nakakapagtaka lang kasi di naman to sumasakit nung bata pa ako pero ngayon sumasakit na siya. Namatay din si mama nung mismong araw ng ika 15th birthday ko dahil sa leukemia, halos gumuho ang mundo ko nung nawala si mama.

Preswich Academy (School of Special Abilities)Where stories live. Discover now