CHAPTER 5: Special Upper Class

1.2K 60 1
                                    

Eli's POV


"Eli" halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang may biglang nagsalita sa tabi ko.


"Alam mo hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin ka kung parati mo kong ginugulat ng ganito, I swear." Naiinis na sambit ko nang lingunin ko si Dave na nakatayo sa gilid ng upuan ko.


And oh, he's not alone. He's with his rude friend called Damien.


"Ito naman, di ko naman sinasadya! Tingnan mo tumayo tuloy mga balahibo ko." He said as he hug his self.


I even saw Caela gasped in surprise when he saw Dave standing beside me.


I rolled my eyes at him. "What do you want? You even brought your friend." I said at tinapunan ng tingin si Damien. Tiningnan nya rin ako pabalik with a bored look. Grr, sarap hampasin ng plato.


Ngumiti naman si Dave ng malapad at inakbayan ako.


Napataas ang kilay ko sa ginawa nya. Since when did we become really close?


"Sabay na tayong tatlo pumasok sa room. Diba Damien?" he said as he turned to face his friend.


"Whatever." Rinig kong sabi ni Damien.


"See? Gusto rin ni Damien! Hahaha" natatawang sambit ni Dave.


Kailan pa naging synonym ng salitang 'oo' ang 'whatever'? =_=


"No thanks. Besides I'm with my friend and you're disturbing us." I simply said at inalis ang pagkaka akbay ni Dave sa akin. Binalingan ko ng tingin si Caela na ngayoy parang na a-amazed parin sa pangyayari.


Ang tingin nya yung tipong parang nakakita ng artista at hindi makapaniwala na malapit lang sya sa mga ito. Seriously? Wag nyong sabihin hindi sila basta basta nagpapakita sa ibang mga estudyante na nasa Lower Section?


"Really? Kailan ka pa naging friendly? Oh hi!" sabi ni Dave as he reached out his hand towards Caela na tulala parin hanggang ngayon. Napa facepalm nalang ako.


"I'm Dave from Special Upper Class Section, and you are?" rinig kong pakikilala ni Dave kay Caela.

And because Caela is still in her 'dazed' state. I controlled her mouth para magsalita sya.


"I'm Caela from Lower Section, nice to meet you Dave" mabilis na sabi ni Caela. Nanlaki ang mga mata nya at tila bang nagulat kasi hindi nya inexpect yun.


"Woah, you can rap!" amused na sabi ni Dave kay Caela while shaking her hands.


"ah.. hehe slight." Awkward na sabi ni Caela sabay bawi sa kamay niya.


"I'm so sorry for disturbing the both of you pero kasi kailangan na naming pumasok." Dave said as he hold my wrist.

Preswich Academy (School of Special Abilities)Where stories live. Discover now