CHAPTER 17: Confusion

145 12 4
                                    

Eli's POV

Di ko maintindihan.

Yan lang ang paulit ulit na sinasambit ko sa isipan ko ngayon habang pinapanuod ang daddy ni Dave na si Arthur Edwards nagsasalita sa harapan.

Naguguluhan ako. Nagdududa. Di ako pwedeng magkamali. Ito yung taong nasa panaginip ko, yung taong parang demonyo na natutuwa nakikitang nahihirapan si Henry at ang pamilya niya. Siya yon. Siya yung taong gusto kong patayin sa panaginip ko pero di ko magawa.

Bakit kung makapag salita to sa harapan parang ang bait bait niya? Is he a wolf in a sheep's clothing? Is he a demon trying to hide his horns and tail?

Napatingin naman ako kay Dave na nasa tabi ko na tuwang tuwa pinapanuod ang daddy niya sa harapan. At naisip na, mapagkakatiwalaan ko ba to?

Mabubuting tao ba talaga ang mga Edwards? Or may mga bagay silang tinatago?

"Uy titig na titig ka na naman sakin. Di ka man lang ba marunong ng mga panakaw tingin lang? Crush mo na ata ako eh." My thoughts got cut off nang bigla nagsalita si Dave.

Di ko sya sinagot. Sa halip ay mas tinitigan ko pa na parang hinahalungkat ko sa mga mata niya kung malinis ba ang kaluluwa niya.

Nakita ko namang napalunok siya at umiwas ng tingin na tila naiilang sa mga titig ko, "E-Eli grabe ka talaga ah. Maging in denial ka naman. Harap harapan yung da moves mo eh di ako prepared."

"Kapal mo." Sabi ko nalang sa kanya bago tinuon ang pansin ko sa harapan.

Nakaka stress naman tong buhay na to. Bakit sa lahat ng tao ako pa talaga ang binigyan ng panaginip na ganun? Sobrang bothered ako.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtitig sakin ni Damien. Ewan ko kung nahalata niya ba ako o ano pero wala akong pakealam kasi wala pa akong balak sabihin sa kanila ang mga nasa isip ko ngayon. Mas mabuti na sigurong hindi ako basta basta magtitiwala sa mga tao dito kasi ako mismo sa sarili ko nagsisimula nang kinukwestyon kung ligtas ba talaga ako dito sa lugar nato.

Is this place dangerous? Or... the people here are dangerous?

"Matagal na naming kinausap ang Headmaster about this thing, and I think this is the perfect time to announce it to all of you regarding our proposal which by the way can be included as a new Preswich School rule." Patuloy na pahayag ni Arthur.

Agad namang nagbulongan ang mga estudyante na tila lahat sila ay naintriga sa mga pahayag ni Arthur. May ibang kinakabahan at may ibang excited naman.

"Every three months, we are going to evaluate all of your abilities. We will check if you have some progress in controlling and improving your abilities or not. If you succeed to improve, then you will have the chance to be a special upper class student for three months also. You will receive fairly all the special trainings and classes they are in." Madami namang agad ang nag react sa daddy ni Dave. And of course, all of them, excluding the special upper class students are all excited with the idea.

"I know you are excited and curious what would it feel to be in a special upper class. But I just want to remind all of the special upper class students here na may ipapagawa din naman kami sa inyo, but more difficult and I don't want to disclose it here. I will just talk to all of you privately. That's the important announcement that we want to deliver to all of you. We hope this can ignite the burning passion inside of you to master your abilities. Good luck." Ngumiti pa siya bago tumalikod at nag bow kay Headmaster bago umupo sa asawa niya.

The Headmaster nodded at Arthur and said, "That's all students. You may now go back to your dorms and respective classes."

Nagsitayuan naman agad ang lahat ng estudyante habang saya na saya sa pagkwekwentuhan kung gaano sila sa ka excited sa bagong school rule na ginawa ng mga Edwards.

Nagsimula naman agad kaming naglakad palabas ni Caela samantala nasa unahan naman namin sina Dave at Damien naglalakad. Di ko na nga alam kung dapat pa ba sasama ako sa mga to. Pero ang sama naman siguro tingnan kung di ko sila papansinin agad at di na kausapin. Mas lalo silang magdududa.

"Eli! Grabe ang exciting ng school rule na yun noh? Kung sakaling magiging malaki na talaga ang improvement ko pwede tayo maging classmates for 3 months! Excited nako!" Hyper na sabi ni Caela sakin. Ako naman pilit na sinasabayan yung sinasabi niya ng mga tango at tipid na ngiti ko.

Nakita naman naming napatigil sa paglakad si Dave na tila ba may kumakausap sa isip niya. Habang si Damien ay napatingin din sa kanya.

"Bro and Eli, we need to go to our classroom. My parents are already looking for us, tayo nalang daw ang kulang. Nandun na ang mga kaklase natin." Nakangiting sambit ni Dave samin.

"Ay sige mauna nalang ako sa dorm, Eli. Kitakits nalang tayo later. Bye Dave! Bye Damien! Hehe" Ngumiti naman si Caela bago naglakad palayo sa amin.

"Bye Caela! Aasahan namin na magiging classmate ka namin after 3 months!" Ani pa ni Dave.

"Pagbubutihin ko. Salamat Dave! Hehe" sobrang halata naman na kinikilig to si Caela. Tsk tsk.

"Eli tara, mag teleport na tayo." Aba nang uutos pa.

"King ina kung maka utos. I-teleport kita dyan sa impyerno eh."

"Stop being so lazy, Dave. Malapit lang naman ang classroom natin dito. We can walk." narinig kong singit ni Damien sa usapan namin. Wow, kasama pala namin to. Ngayon lang nagsalita eh.

Di na kumontra si Dave kaya nagsimula narin kaming maglakad tatlo.

"Woah, easy. Kinakampihan mo na siya Damien ah. Kala ko ba bros over---"

"Sige ituloy mo lang yung karugtong nyan at itutuloy ko talaga ang pag teleport ko sayo sa impyerno."

"--girls. Bros over girls. Hehe ang judger mo naman Eli syempre di ko sasabihin yung word na hoes noh."

"Sinabi mo paring bwisit ka." sabi ko pa tsaka inirapan siya. Wala talagang kwentang kausap to.

Andami pang kinukwento samin ni Dave kaya di niya namamalayan na nauna na siyang maglakad kesa samin ni Damien. Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Damien sakin na halos nagdikit na ang mga braso namin.

"Ano bang trip mo?" naging friendly naman ata to bigla sakin.

"Are you okay?"

"Uh.. yeah? Ikaw are you okay? Ikaw tong weird satin dalawa."

"Somethings bothering you. I'm sure of that."

"Wala to. OA ka lang." Di nako nagsalita nang makita kong nasa classroom na pala kami.

Agad na napako ang tingin ko sa mga magulang ni Dave na nakatayo sa harapan kasama parin ang Headmaster.

"Hi dad! Hi mom!" bati ni Dave sa kanyang mga magulang sabay beso sa kanilang dalawa. Sumunod naman si Damien at nagmano sa mag asawang Edwards.

Nakita ko namang tiningnan ako ni Headmaster bago ako tuluyang naupo sa silya malapit sa bintana.

Nagulat naman ako nang bigla ako itinuro ni Dave kaya napatingin din sakin ang mga magulang niya saka ako ningitian. Naguguluhang tiningnan ko lang sila. Naupo naman agad sina Dave at Damien sa mga bakanteng silya sa gilid ko.

The Headmaster cleared his throat before speaking, "Since you are complete now. We will start discussing about your missions. I will let Madam Agatha Edwards to do the honor of explaining it to all of you."

Napatanga ako. Missions?

Ano na naman ba to? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Preswich Academy (School of Special Abilities)Where stories live. Discover now