CHAPTER 9: Group Battle Part 1

1.2K 61 10
                                    


Eli's POV


"Siguro naman okay na to sa inyo?" 'medyo' pikon na tanong ko sa mga kagrupo ko matapos naming magteleport sa iba't ibang sulok ng lugar na ito. Ang aarte kasi, kailangan daw muna nila ng 'perfect' place bago kami gumawa ng plano kung paano atakihin ang kabilang grupo. Nakakapikon lang! Lalo na pag gaanito ang pambungad sayo as soon as nakaapak ang mga paa mo sa lupa, "hey teleporter, let's find a good spot." Lakas maka utos ang mga hayup, sarap i-teleport sa impyerno.


Pero dahil sa likas na mabait ako I tried my very best to surpress my anger. I need to set aside my temper first para makapag concentrate ako sa battle na to. I want to claim the victory because I want to slap it into their faces that I am not just a "mere transferee".


"Okay na to, so let's start." sabi nung Fergus na self-proclaimed leader ng grupo dapat lang daw kasi na siya ang gawing leader dahil sa ability nyang energy absorption - he can absorb any forms or kinds of energy and can transfer it or even redirect it. Yes, he got an awesome ability pero anong connect ng ability niya sa pagiging leader? Kabobohan eh.


"Eli" tawag sakin ni Allen kaya napatingin ako sa kanila, napatingin din silang lahat sakin nang makaupo na silang lahat, pake ba nilang mas trip kong tumayo?


"Bakit? Di nyo ba magagawa ang plano kung hindi ako uupo?" pilosopong tanong ko sa kanila kaya napailing nalang sila.


Nagsimula magsalita si Allen, "As you noticed this place is Mohenjo-daro also known as Mound of the Dead located in Sindhi, Pakistan and was built around 2500 BCE. It was one of the largest settlements of the ancient Indus Valley Civilization, and one of the world's major urban settlements, contemporaneous with the civilizations of the ancient Egypt, Mesopotamia, Crete and Norte Chico. Tingnan nyo ang buong paligid guys, you can see that it has a planned layout based on a street grid of rectilinear buildings and the estimated covered area of Mohenjo-daro is 300 hectares." Mahabang trivia ni Allen sa amin at yung iba naman napanganga. Paborito nya atang subject ang geography or history.


"Therefore, this place is quite crowded and has only limited space because of those rectilinear buildings. It's like we've been put in a maze." komento ko.


"Where on earth did you get those kind of informations?" manghang tanong ni Drexel kay Allen. By the way, this Drexel guy is sya yung nasa likod ko kanina sa line.


"Since when did you discover you have clairsentience ability?" Fergus asked.


Sunod sunod na tanong nila kay Allen kaya medyo naguluhan ako lalo na dun sa term na binanggit ni Fergus. Easy tayo sa mga terms mga pre, kakabalik ko lang sa pag aaral di ako maka catch up sa inyo.


"Clairsentience? You mean the ability to perceive the history of an object by touching it?" tanong ko sa kanila na hinuhulaan ang meaning nung term na yun.

Kennedy the white haired guy looked at me and nodded in response. Phew tama pala.


"Wag kayong OA kasama na sa ability kong enhanced senses ang enhanced memory so it just happen na kakabasa ko lang ng geography book kahapon sa library at nabasa ko ang tungkol sa Mohenjo-daro." Ani ni Allen kaya napa 'ahh' nalang sila.

Preswich Academy (School of Special Abilities)Where stories live. Discover now