CHAPTER 11: One on One

1.1K 55 9
                                    

A/N: I AM SO SORRY FOR THE VERY SLOW UPDATE! T_T




Eli's POV

"I accept the challenge." I said confidently at hindi nako nagulat nang biglang nagbago na naman ang paligid. 

Andito na naman ako sa Mohenjo daro at wala akong nakikitang Damien sa paligid. Tsk pahirapan na naman ba kami sa paghahanap? Pansin ko lang, sa tuwing may nangyayaring 'battles' ang first part talaga ay palaging hide and seek. Lol it's not like this is a child's  game -_-

Nagteleport ako sa kasulok sulokan ng lugar na ito at lahat pero wala pa akong nakikitang kahit anino man lang ni Damien. Buhay pa ba yun? Baka namatay na yun sa bagot sa kakahintay matapos ang team group battle. Wag naman sana because I need to crush him first.


"I'm here." Napapitlag nang may biglang nagsalita sa likod ko. Peste ka Damien.

"How did you find me?" agad kong tanong sa kanya.

"Dave told me so." He plainly answered.

"Pakialamerong tunay." I whispered and rolled my eyes. Hanggang dito ba naman makikialam siya?

"Naiinip na daw kasi si Sir" dagdag pa niyang sabi. Oh himala? Kusa siyang nag sha-share ng impormasyon kahit di ko tinanong.

"Hindi ko tinanong." Pabalang na sagot ko sa kanya and as usual wala siyang reaction. Kahit ata gawan ko siya ng diss rap wala siyang pakialam.

Hindi na siya nagsalita pa and just stared at me with bored look. And I know kung anong gustong ipahiwatig ng 'look' niyang yan.

"Tss got it." I mumbled before I teleported about 5 meters away from him. Kahit hindi halata pansin kong medyo naguluhan siya sa ginawa ko.

"What? I don't know what kind of ability you have. I need to make myself safe first you know." I said in a matter-of-fact tone but deep inside I have this feeling of little panic as I was trying to figure out what kind of ability he got.

The ability that made all our classmates complain and protests of the idea of having a one on one battle with Damien.


"Don't you like attacking first?" he asked as if he's mocking me... or not.

"I don't mind." I answered as I was trying to read his face. Something's fishy.

"Okay." And with that a huge hurricane suddenly appeared in front of him at ngayon ay papunta na ito sa akin.

Tangina. Hindi pala fishy, windy pala. Tsk.

Napateleport ako ng wala sa oras sa ibang lugar ng wala sa oras saka bumalik ulit doon.

"Well that was a nice warm up attack—hey!" my eyes widened in shock upon witnessing my state right now. He is pulling me towards him with the use of gravity. Hindi man lang sumagi sa isip ko na makokontrol niya ang space, I thought si Drexel lang ang may ganyang ability sa Preswich?

Anong klaseng ability to? Assorted? Ukay ukay? Pa iba iba kasi yung atake niya.

"You sure love pulling everything off, ey?" I half-jokingly asked as I was only 1 meter away from him. And as usual hindi siya nagsalita at nakatingin lang sakin.

Hinayaan ko muna siya sa mga pinag gagawa niya sakin. I'm still observing his behaviour and the way how he attacks because it will be useless kung hindi ko agad malalaman ang ability niya. I will only tire myself out.

Naging mabilis ang mga pangyayari, the last thing I remembered ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pulso ko tapos bigla nalang kami nagteleport sa itaas at pag sinabi kong "itaas" ay literal na nasa itaas kami. Literally in the sky.

Preswich Academy (School of Special Abilities)Where stories live. Discover now