I HATE YOU, ARZ

12 0 0
                                    

ZEA'S POV

“Finally, tapos na ang pagpapanggap!” Inis na inihagis ni Arz ang necktie n’ya sa sofa, kagagaling lang namin sa family dinner—kung saan ipinakilala sa amin ni Elia si Leo. “Nakakapagod magpanggap sa parents mo, Zea!” Tahimik lang akong nakikinig sa kan’ya, sanay naman na ako. “Nasusura ako kapag tinatawag kitang ‘hon’!” Tiim-baga n’yang ani, napayuko naman ako.

“Magpapahinga na ako, Arz,” walang emosyong ani ko. Wala akong karapatang sumbatan si Arzhel dahil sa papel lang kami kasal. Magkahiwalay rin ang kwarto namin dahil ayaw n’yang magkatabi kaming matulog.

Sa totoo lang, hindi ko na kayang makisama kay Arzhel. Hindi n’ya naman ako sinasaktan physically, pero sobra-sobra s’ya manakit gamit ang mga salitang lumalabas sa bibig n’ya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal namin, pero kailangan naming sumunod sa mga magulang namin. Apat na taon din ang agwat ko kay Elia, kaya ako ang inuna nilang ipagkasundo.

“Zea, open the door!” Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Arz, malakas nitong kinakatok ang pintuan ng kwarto ko. “Zea, open the door!” Pag-uulit n’ya, kaya naman nagmadali na akong buksan ang pintuan.

“B-bakit?” Naamoy ko ang hininga n’yang amoy alak, napailing ako ng kaunti. Halos kakaalis ko lang ng sala kanina, pero heto s’ya ngayon—nakainom na agad. “Anong kailangan mo, Arzhel?” Nakita kong napalunok s’ya, bago tumingin sa mga mata ko.

“You! I need you, Zeferina!” May kung anong galit sa puso ko ang biglang sumiklab. “You need to satisfied me, you need to satisfied you husba—” hindi n’ya naituloy ang sasabihin nang sampalin ko s’ya. “Lalaban ka na?!” Hinawakan n’ya ang braso ko, pero agad ko naman itong binawi.

“Hanggang kailan mo ba ipaparamdam na kailangan mo lang ako, Arzhel?!” Nagulat ako nang bigla n’ya akong sampalin, dahilan para matumba ako sa sahig.

“Marunong ka nang sumagot ngayon ha, Z!” Hinawakan n’ya ang braso ko at sapilit akong pinatayo.

“Arz, nasasaktan ako!” Malakas kong sigaw, pero binuhat n’ya ako at malakas na inihagis sa kama. Pakiramdam ko may nabaling buto sa katawan ko. Lumuluha ang mga mata ko, samantalang s’ya ay isa-isa nang hinuhubad ang mga damit n’ya, napalingon din ako sa pintuan na ngayon ay nakasara na pala. “Arz, p-please no!” Hindi na ako nakapalag nang hubaran na rin n’ya ako.

“You better shut up, Zeferina Eunice!” Sa sobrang lakas n’ya, hindi ako makapalag. Wala na akong nagawa kundi manahimik at ibigay na lang sa kan’ya ang katawan at pagkababae ko. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko, hindi ’to ang unang beses na ginalaw ako ni Arzhel, pero gano’n pa rin kasakit para sa akin paulit-ulit na ganitong pangyayari.

Matapos n’yang makuha ang gusto n’ya, umalis na agad s’ya na akala mo’y walang nangyari sa aming dalawa. Kahit kailan naman ay hindi ako itinuring na asawa ni Arz, dahil kahit paikot-ikutin pa ang mundo, asawa n’ya lang ako sa papel. Ngayon lang n’ya ako sinaktan physically, inaamin ko na kusa akong bumibigay kay Arzhel sa tuwing gagamitin n’ya ako, pero lahat naman tayo napapagod. Nagta-take na lang ako ng birth control pills, ayaw kasi ni Arzhel na mabuntis ako.

Pilit kong pinapatahan ang sarili ko, pilit kong pinipigilan ang bawat paghikbi ko. Pinipigilan kong gumawa ng ingay para hindi magising si Arzhel na nasa kabilang kwarto lang.

Hindi nambababae si Arzhel, totoo na sobrang busy n’ya sa trabaho—mas madalas pa s’yang nasa opisina, kaysa nandito sa bahay namin. Madalas akong mag-isa rito, hindi rin ako lumalabas dahil alam kong lagi akong pinapamanmanan ni daddy.

Kinabukasan, maaga akong gumising para magluto ng almusal. Hindi naman gano'n kasama ang asawa ko, sadyang hindi lang n’ya ako kayang itrato bilang asawa n’ya. Hindi ko ininda ang pananakit ng braso ko dahil sa mahigpit na paghawak ni Arzhel dito kagabi. Isinawalang bahala ko na rin ang pasa nito, pati na rin ang pasa sa gilid ng labi ko na sanhi ng pagsampal sa akin ni Arzhel.

“K-kumain ka muna!” Bungad ko kay Arzhel na kakababa lang ng hagdan, napansin ko namang napatitig s’ya sa mukha ko, sa bandang labi—kung saan banda ang pasa ko. Lumapit s’ya sa akin at akma sana n’yang hahawakan ang mukha ko, pero umiwas ako.

“D-does it hurt, Z-Zea?”

“Hayaan mo na ’to, Arz. ’Wag mo nang pansinin, kumain ka na!” Sa sandaling iyon, sa braso ko naman s’ya napatingin.

“Gagamutin kita!” Muli ay sinubukan n’ya akong hawakan, pero umiwas ako ulit.

“Kaya ko ang sarili ko, Arzhel!” Wala s’yang nagawa kundi maupo at kumain na lang. “Ang tanging maitutulong mo lang ay—” nakita kong napahinto pa s’ya sa pagsubo at tumingin sa akin. “Ang hiwalayan ako.”

“What?”

“Maghiwalay na tayo, Arz—”

Ibinaba n’ya ang hawak n’yang kutsara't tinidor at tumitig sa akin. “Look, kung tungkol ’to sa nangyari kagabi—I’m sorry, Zea! Hindi magugustuhan nina mama at papa ang desisyon mo!”

“Arzhel, hindi ko na kayang matali sa ’yo!” Mahina ngunit pasigaw kong ani. “Gusto kong maging malaya tulad ng kapatid ko!”

“Zea,” hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata n’ya na tila nagmamakaawa s’ya. “Please, ’wag muna,” may kung ano sa boses n’ya na nagsasabing sundin ko ang gusto ni Arzhel.

“Pag-isipan mong mabuti, Arzhel. Unang-una, pareho nating hindi gustong maikasal sa isa’t-isa!” Madiin kong ani. “H-hindi ko na rin hihintayin pang mas masaktan mo pa ako physically!”

“No! Z, hindi na mauulit ’yon, I promise!” Tumitig akong muli sa mga mata n’ya, wala akong makitang galit sa mga ’yon. Ang tanging nakikita ko lang ang tingin na tila nagmamakaawa. “Please, Zeferina...”

“Sinabi mo kagabi na nakakapagod nang magpanggap. Arz, hindi lang ikaw ang napapagod,” bumuntong-hininga muna ako bago tumalikod sa kan’ya. “Arz, napapagod na rin ako. Aasikasuhin ko na ang annulment paper natin!” Magsasalita pa sana s’ya, pero humakbang na ako papalayo, hindi ko magawang kumain nang kasabay si Arzhel.

Kung kinayang sumaway ni Elia, dapat kayanin ko rin. Kung kinaya n’yang maging malakas, dapat ako rin. Tama naman ang kapatid ko, hindi ako masaya sa sitwasyon ko ngayon, nasunod nga ang gusto ng parents ko—hindi naman ako masaya. Aanhin ko ang malaking bahay na ito, aanhin ko ang mga perang hawak ko, kung hanggang ngayon tila isa pa rin akong bilanggo. Gusto kong makatakas, gusto kong maging normal ang buhay ko, normal tulad ng hindi ko kailangang sumunod sa parents ko para sa ikakabuti ng pamilya namin.

Gusto kong makatakas sa pagiging Mrs. Zeferina Eunice Ascanius-Chen, gusto kong makatakas sa buhay na hindi ko ginusto.

May ilang minuto na akong nag-iisip sa loob ng kwarto ko nang bigla kong marinig ang pagkatok ni Arzhel.

“Zea, can we talk?” Dahan-dahan kong pinihit ang door knob, at doon ay bumugad sa akin ang reaksyon ng mukha n’yang ngayon ko pa lang nakikita.

“Arz?”

“S-sigurado ka na ba talaga?” Matagal akong nanahimik bago sagutin ang tanong n’ya.

“Sigurado na ako.”

“Zeferina,” hinawakan n’ya ang mga kamay ko. “Mabuti naman at naisipan mong makipaghiwalay!” Matapos n’yang sabihin iyon, doon ay lumabas ang mukhang parati kong nakikita, mukha n’yang palaging seryoso.

“What?” Mabilis kong inagaw ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak n’ya.

“Akala mo ba totoong ayokong makipaghiwalay sa ’yo?!” Tinignan n’ya ako na animo'y nandidiri s’ya sa buong pagkatao ko. “Zea, ikaw lang naman talaga ang hinihintay kong maging handa!”

“Well now, I’m ready!” Malakas kong sigaw. “Hihintayin ko lang na maging handa ang mga magulang natin, Arzhel! Hindi na ako makapaghintay na hiwalayan ka!” Malakas kong isinara ang pinto at mabilis na sumubsob sa kama ko, at doon ay ibinuhos ko ang mga luha ko. “I hate you, Arz! I hate you so much!” Wala akong pake kahit marinig n’ya ang pagsigaw at pagbabasag ko ng mga gamit. Masyado na akong nadadala sa bawat pagpapanggap n’ya, hindi ko na talaga kaya.

Matagal na rin naman kaming nagsasama sa iisang bubong, pero kahit kailan ay hindi n’ya ako natutunang mahalin. Inaamin ko na may nararamdaman ako para kay Arzhel, pero sa ngayon—mas lumalamang ang galit ko sa kan'ya.

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon