ZEA IS MY WIFE!

1 0 0
                                    

ARZHEL'S POV

“Bakit ba hindi mo mapaka-pakawalan ang anak ko, Arzhel?!”

“She's not your daughter!” Galit kong sigaw. “You're selfish!” Mas lalong tumindi ang galit ko nang nginisian ako ni tito Marco.

“Bakit gan'yan ka kung makaasta, hindi ba't asawa ka lang naman sa papel ni Zea?!”

“Zea is my wife! Hindi ko pinoprotektahan si Zea dahil lang sa kasal kami sa papel, pinoprotektahan ko s'ya dahil mahal namin ang isa't-isa. Isaksak mo 'yan sa kukote mo!”

“Andami mong satsat, Arzhel. Sige kuhanin n'yo na s'ya!” Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni tito Marco para kuhanin ako. Hindi ko magawang makapalag dahil madami sila at hindi ako gano'n kabihasa sa pakikipaglaban. May kung ako rin silang itinurok sa akin kaya bigla na lang akong nanghina at nawalan ng malay.

Nang magising ako, mukha ng isa sa mga tauhan ni tito Marco ang bumungad sa akin. Nakangisi ito na animo'y isang demonyo.

“Nasaan ako? Nasaan tayo?!” Naramdaman ko rin na nakatali ang mga kamay ko patalikod, nakatali rin ang katawan ko sa upuan.

“Sa impyerno, Arzhel!” Boses ni tito Marco ang sumagot sa tanong ko. “Alam mo, free trial pa lang ito. Hindi pa kita dinadala sa tunay na impyerno.”

“Uunahin kita idala sa impyerno, tito Marco!” Malakas kong sigaw, ngunit nakakakilabot na pagtawa n'ya lang ang narinig ko.

“Ni hindi ka nga makapalag sa mga tauhan ko, bata. 'Wag kang masyadong matapang, Arzhel.”

“Nakausap ko na si satanas, may p'westo ka na sa impyerno!” Ramdam na ramdam ko ang inis n'ya, lumapit ito sa akin at kinuwelyohan ako.

“Kung gano'n, isasama kita! Bugbugin n'yo ang isang 'to!” Binitawan n'ya ang damit ko at saka n'ya ako sinipa, dahilan para matumba ang upuan, kasama ako sa sahig.

Habang binubugbog ako, ipinikit kong ang mga mata ko at inalala si Z. Hindi ko aakalain na hindi ko matutupad ang ipinangako ko sa kan'ya.

I'm sorry, wife. I'm really sorry kung hindi ako makakabalik ng ligtas, I'm sorry kung isa na namang pangako ang hindi ko matutupad. I'm sorry, Z. I love you so much.

“Talagang matibay ang isang 'to!” Ani ng isa sa mga nambubugbog sa akin. “Sayang, ang gwapo-gwapo pa naman!” Narinig ko silang nagtawanan, hindi ko kaya imulat ang mga mata ko, hindi ko kayang makita ang mga demonyo nilang pagmumukha.

“Tama na 'yan!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko, isang boses ng taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. “Itayo n'yo s'ya at iwan n'yo na kami!”

“Masusunod po, madam!”

Nang makaalis ang mga tauhan nila, galit akong napatingin sa babaeng nasa harap ko ngayon, ni katiting na awa ay wala akong makita sa mga mata n'ya.

“How can you do this to me, ma?!”

“Stop calling me ma, Arzhel! Kailanman ay hindi kita itinuring na anak!”

“Ah yeah!” Napatango-tango ako at ngumisi. “Dahil hanggang ngayon, imbis na sarili mo ang sisihin mo, ako ang sinisi mo! Ako ang patuloy mong sinisisi kung bakit nasira ang buhay mo!”

“Dahil ikaw naman talaga!”

“Talaga ba?” Galit ko s'yang tinignan. “Ako ba ang nagpabuntis ng maaga?!” Mabilis na tumama ang palad n'ya sa pisnge ko, ngunit imbis na magulat at maiyak, tinawanan ko pa s'ya. “Guilty huh?!”

“Bastos ka!”

“Now tell me! May iba pa bang rason, kaya kayang-kaya mong gawin 'to sa akin?!” Doon ay bigla s'yang lumayo at tumahimik. “Answer me!”

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Where stories live. Discover now