I'M SAFE HERE, ARZ

1 0 0
                                    

ZEA'S POV

Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko kung paano bumawi sa akin si Arzhel, lagi akong nagpapasalamat sa Panginoon, dahil finally bumalik na sa rati ang asawa ko, finally bumalik na ang ala-ala n'ya. Ngayon nararamdaman ko na ulit, I'm safe here, I'm safe with him.

Napatigil ako sa pagtitig kay Arzhel nang biglang tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ang tumatawag sa akin. May pag-aalinlangan ko itong sinagot, at ganoon na lang ang gulat ko nang marinig ko ang boses ng taong kinatatakutan ko.

“How are you, Zea?” Ibinato ko ang cellphone ko, takot akong sagutan ang tanong ng daddy ko.

“Hon, what happened?!” Bakas sa mukha ni Arz ang pag-aalala. Naging mabigat ang bawat paghinga ko, hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.

“S-si d-dad,” nahihirapan na akong magsalita, halos manginig na rin ang buong katawan ko. “Tinawagan ako ni dad, hon!”

“Hon, calm down,” niyakap n'ya ako't hinaplos-haplos ang likuran ko. “I'll report this,” habang yakap-yakap ako ni Arzhel, kinuha nito ang cellphone n'ya sa bulsa at tumawag sa police station. “Hello, this is Arzhel Chen—”

“Hon, why?”

“Nakatakas nga ang daddy mo!” Napatingin kaming pareho ni Arzhel sa cellphone ko nang mag-ring ulit ito. Tumayo si Arzhel at kinuha nito ang cellphone sa sahig, hindi pa rin mawala ang panginginig ko. “Anong kailangan mo?!” Galit na ani Arzhel. “No! Hindi ibibigay sa 'yo ang asawa ko, pati na si Elia, hindi mo sila makukuha!”

“A-Arz...”

“Ako nang bahala, hon. Sigurado rin ako na hindi pababayaan ni Leo ang kapatid mo. Sinabihan ko na si Leo tungkol sa nangyari,” mahigpit akong napayakap sa asawa ko. Ang takot ay unti-unting nabawasan, gano'n din ang kaba ko.

“Ate?!” Nagmamadaling tumakbo papalapit sa amin si Elia, halata sa mukha nito na nag-aalala s'ya, ganoon din si Leo. “Okay ka lang ba?” Tumango ako, roon ay kumalma s'ya.

“Don't worry, ate, nasabi ko na rin kay daddy ang tungkol dito. Aware na ang buong mundo tungkol sa pagtakas ni Mister Ascanius, ginawan po kasi ni dad ng paraan para mailabas ang balita sa TV at pati na rin sa social media.”

“Thank you so much, Leo. Napakalaking tulong ng ginawan n'yo ng pamilya mo.”

“Basta po para sa inyo ni Elia, hindi po ako magdadalawang isip na tumulong!”

Namutahi ang sandaling katahimikan sa aming apat, hanggang sa makarinig kami ng putok ng baril mula sa labas. Nagkaroon na naman ng takot at kaba sa dibdib ko, pakiramdam ko rin ay maiiyak na ako.

“Dito lang kayo!” Nagmamadaling lumabas si Arzhel, sinubukan ko s’yang pigilan pero inilingan n'ya lang ako.

Napatingin ako kay Elia, bigla na lang s'yang naging tulala. Nakikita ko rin na pilit s'yang pinapakalma ni Leo. Naiintindihan ko kung bakit nagkagano'n ang kapatid ko, labis s'yang na-trauma sa mga nangyari noong nawala si mommy sa amin. Lumapit ako kay Elia at hinawakan ang mga kamay nito. Tumingin s'ya sa akin kaya naman ngumiti ako.

“Ate's always here, Elia. If okay lang sa 'yo, ibebenta na natin 'tong bahay.”

“Are you sure, ate?”

“May bahay naman kami ni Arzhel, p'wede ka namang makitira muna sa amin, o hindi naman kaya—bibili tayo ng bahay mo na malapit sa bahay namin, o katabi lang ng bahay namin ni Arzhel!”

“Kaya rin kitang bilhan ng bahay, Elia!” Pareho kaming napatingin ni Elia kay Leo. “I can buy anything or everything for you, Elia.”

“Hon, umalis na tayo rito!” Naagaw ni Arzhel ang atensyon naming tatlo. “Sa likod na tayo dumaan, nasa labas ang daddy n'yo!”

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن