I LOVE YOU SO MUCH, Z!

1 0 0
                                    

ARZHEL'S POV

Hindi ko mapigilang umiyak habang pinapakasalan ulit ang babaeng mahal ko.

“Z, I love you so much! I‘ll always choose you, kahit ilang beses pang paulit-ulit. Hindi ako magsasawang iparamdam sa ’yo na safe ka sa akin, at safe ako sa ’yo,” lalong lumakas ang bawat paghikbi ko. “Ikaw ang nakasama ko sa bawat dilim at liwanag ng buhay ko, ikaw ang nakasama kong bumagsak at umangat. Ikaw ang buhay ko, Zeferina!”

“Arzhel... My Arzhel, I love you more than you know. I will be always thankful dahil ikaw ang makakasama ko habang buhay, salamat sa pagsagip mo sa akin sa lahat ng pagkakataon. You are my safe place... My solace,” nakita kong kinagat ni Z ang ibabang labi n’ya. “Kung hindi mo ako sinagip sa ilog noon, wala sana ako sa harapan nilang lahat ngayon. Arz, walang makakatumbas sa pagmamahal at pagpo-protekta na ibinibigay mo sa akin, at mas lalong wala nang hihigit pa ro‘n!”

♪When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here
When nobody hears you scream
I'll scream with you
You'll be safe here
Save your eyes
From your tears
When everything's unclear
You'll be safe here
From the sheer weight
Of your doubts and fears
Wounded heart♪

Napapikit na lang kaming pareho, animo‘y magkatugma ang isip namin at imahinasyon.

“Excuse me po!” Isang babae ang nasa pintuan ng classroom namin ngayon. “Ito po ba ang room ng Serenity, third year?” Hindi ko maiwasang mapatitig sa kan’ya. Tisay s’ya at may dalawang dimple sa magkabilang gilid ng pisnge.

“Yes po, rito po!” Ani Jing, class president namin. “Bakit po?”

“Pinapatawag po ni sir Ventura si Arzhel daw po!” Mahinhin s’yang magsalita, medyo mahina rin ang boses n’ya. “Nasaan po s’ya?”

“Arzhel daw, uy!” Agad akong napatayo nang tawagin ako ni Jing. “Nakatulala ka na naman, pre!” Agad kong sinamaan ng tingin si Jing, bago ko kinausap ’yong babae.

“Bakit daw, miss?”

“Hindi ko po alam eh! Basta po sunod na lang po kayo sa akin!” Muli akong nginitian nito, kaya naman ngumiti ako pabalik. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang tanungin ang pangalan n’ya.

“Ahm, p’wede matanong ang pangalan—”

“Zeferina Ascanius!” Magsasalita pa sana ako, kaso nandito na kami sa lugar kung nasaan si sir Ventura. “Sir, nandito na po si Arzhel!”

“Salamat, Ascanius!” Tinanguan ni Zeferina si sir, bago ito umalis.

“Sir, bakit n’yo po ako pinatawag?”

“Ah, ipinabibigay ito ng papa mo. Hindi raw kasi sila makakauwi ng Pilipinas ngayong buwan!” Napatingin ako sa iniabot na sobre ni sir. “Arzhel, alam kong nagtatampo ka pa rin sa papa mo, pero tanggapin ko naman ito!” Iiling-iling kong tinanggap ang iniabot sa akin, ’tsaka ako nagpasalamat.

Paglabas ko ng office, nadaanan ko si Zeferina sa Filipino garden. May suot s’yang headphone, at nakapikit ang mga mata n’ya—mukhang wala rin silang klase ngayon. Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa tabi n’ya. Napatitig ako sa maamo n’yang mukha. She‘s cute asf!

Habang nakatitig ako sa kan’ya, gulat akong napalayo nang imulat n’ya ang mga mata n’ya, dahilan para mapalunok din ako ng paulit-ulit.

“Bakit?” Salubong ang kilay n’ya, habang tinatanggal ang headphone na nakasuot sa tenga n’ya. “May dumi ba sa mukha ko?”

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat