SPECIAL CHAPTER: THE FINAL CHAPTER

1 0 0
                                    

6 years later...

Maayos na ang lahat. May sariling art gallery na si Niko, maayos na ang pamumuhay nila Alex at Chin kasama ang dalawang anak nila, gano‘n din si Arz at Zea. May anak na rin si Elia at Leo... At si Clexy, kung nasaan man s’ya ngayon—alam kong masaya at safe na s’ya.

Si Avaline, she‘s 9. 3 years old naman ang kapatid n’yang si Casper, tatlong taon na rin ang anak ni Elia at Leo na si Liandra Eleonor. Si Zian naman ay 8 years old na, samantalang si Zhele ay 7 na.

“Niko, here!” Nakangiting tinawag ni Chin si Niko. “Sit here!”

“Thank you, Chrizzy!” Tinanguan na lang ni Chin si Niko. “Ito na ba si Avaline?”

“Yes, Niko. Inaanak ’yan ni Clexy!”

“Chin!” Napalingon si Chrizzy sa harapan, at nakita n’ya sina Leo, Elia, Arz, at Zea... Kasama ang mga bata.

“Ninang Elia!” Natutuwang ani Ava.

“Avaline!” Mabilis na niyakap ni Elia ang inaanak nito.

“Ate Zea!” Bumeso si Chin kay Zea.

“Niko, ang tahimik mo ata!” Lahat sila ay napalingon kay Niko.

“Siguro kung nandito si Clexy, matutuwa s’ya!” Ngumiti ng mapait ni Niko. “I really miss her...”

“Lahat naman tayo nami-miss si Clexiana, Niko!” Naupo si Chin sa tabi ni Niko. “Naging parte si Clexy ng buhay natin!”

“Clexiana is a very good friend!” Nakangiting ani Alex. “Bilib ako sa pagkaloyal n’ya sa pagkakaibigan nila ni Chin!”

“Mabait din s’yang kumare!” Napangiti si Elia. “Halos linggo-linggo ata ay nagpapadala s’ya ng regalo sa inaanak naming si Ava!”

“Si Clexy rin ang tumutulong sa amin ni Elia sa t'wing magkikita kami,” ani naman ni Zea. “Matalino s’ya eh!”

“Clexy? Clexiana Ortega?” Nagtatakang ani Arz.

“Why, hon... Do you know her?”

“She‘s my cousin, sa father side! Magkapatid si papa at ang mom n’ya!”

“Bilog nga ang mundo,” natatawa ani Niko, ngunit mahihimigan mo ang sakit sa boses ni nito. “Clexy is now free... Malaya na s’yang maging masaya.”

Lahat sila ay umupo ng pabilog sa lapag. Halo-halong emosyon ang makikita sa kanilang mukha, pero hindi pa rin mawawala ang mga ngiti nila.

“Saan nga kayo unang nagkita ulit ni Clexy after 11 years, Niko?” Curious na tanong ni Chin.

“On the train station!”

“Alam n’yo... Kung nasaan man si Clexy—kung nasa train station man s’ya, sa ilalim ng buwan, o sa likod ng mga ulap... She’ll be safe wherever she is!” Napatango silang lahat dahil sa sinabi ni Zea.

“Ay, hindi ba makakapunta si Divine, love?” Biglang tanong ni Alex kay Chin.

“Hindi eh! Si Krisha ba, Elia—makakapunta ba s’ya?”

“Hindi!” Napatawa si Elia.

“May date kasi sila ni Jeremy!” Ani naman ni Leo. “Another enemy to lovers tandem oh!”

“Wow, una si Clexy at Niko, tapos si Leo at Elia—ngayon naman, si Krisha at Jeremy!” Napakamot sa ulo si Niko dahil sa sinabi ni Alex.

“Well, unexpected relationship is the best!” Confident na ani Arz. “Katulad na lang ng relationship namin ni Z. Sino naman kasing mag-aakala na mamahalin namin ang isa’t isa, ’di ba?” Tumingin si Arz sa asawa nito. “And we both safe with each other!”

“I told you, you‘ll be safe here... With me!”

♪At sa gabi na ito, ikaw lang ang nakita ko

Sabay hawak sa 'yong kamay

Ikaw lang ang aking mahal
Iibigin kita na parang tala at buwan♪

Hawak ang 'yong mga kamay
Sa liwanag ng buwan nagsimula ang lahat♪”

Lahat sila ay napatingin kay Ava nang kantahin n’ya ang theme song ng parents n’ya.

“She‘s a good singer!” Natutuwang ani Niko. “Sa palagay ko ang nagmana s’ya sa ’yo, Chin!”

“Sus, wala akong piso, Niko!” Hirit naman ni Chrizzy, na s’yang nagpatawa sa lahat.

“Kumain na lang kayo!” Ani naman ni Zea, na sinang-ayunan nilang lahat.

Minsan, may mga bagay o pagsubok talagang dadating sa buhay natin—pero lahat ng ’yon kakayanin natin.

Hanggang sa muli nating pagtatagpo. If you‘re on the train station, o sa ilalim ng buwan, or even behind the clouds... Always remember that you'll be safe here.

This is TAGPUAN SERIES family, signing off.

The End

Tagpuan Series 4: You'll Be Safe Here

TAGPUAN SERIES 1: ON THE TRAIN STATION (CLEXIANA ANDREA ORTEGA/CLEXY AND TIMOTHY NICHOLAS VERGARA/NIKO)

TAGPUAN SERIES 2: SA ILALIM NG BUWAN (CHRIZZY ANNE DURAN/CHIN AND ALEXANDER LUCENO/ALEX)

TAGPUAN SERIES 3: BEHIND THE CLOUDS (MARY ELAILA ASCANIUS/ELIA AND LEO DAVIAN HYUN/LEO)

TAGPUAN SERIES 4: YOU'LL BE SAFE HERE (ZEFERINA EUNICE ASCANIUS/ZEA/Z AND ARZHEL BLAZE CHEN/ARZ)

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon