I TRUST YOU, ARZ

1 0 0
                                    

ZEA'S POV

Nasabi na sa akin ni Arz ang mga plano n’ya, nahuli na rin ang daddy ko, pero mas pinili ko pa ring hiwalayan s’ya at samahan si Elia sa bahay namin. Halos kakahatid ko lang ng pagkain ni Elia kanina, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Pinilit ko na lang ipahinga ang sarili ko dahil baka napagod lang ako sa mga nangyari.

“Ma’am Zea, may bisita po kayo sa labas!” Agad-agad kong binuksan ang pinto at hinarap ang isa naming kasambahay.

“Sino po?”

“Asawa n’yo po, ma’am!” Bumuntong hininga ako at tumango, pagkababa ng kasambahay namin ay sumunod na rin ako.

“Z!” Ngumiti s’ya sa akin, kaya naman pilit pa rin akong ngumiti. “Are sure that you’re safe here?” Tanong n’ya nang makaupo ako.

“I’ll be safe here, we will be safe here!” Hinawakan ko pa ang balikat n’ya para mas lalo s’yang makampante. “Naiintindihan ko kung mag-aalala ka para sa amin ni Elia, Arz.”

“Z, uwi ka na. Uwi ka na sa atin, uwi ka na sa akin,” nakayuko n’yang ani, gulat naman akong napatingin sa kan’ya. “Hindi ko alam anong pagpapanggap ang pipiliin ko, Z. Ang pagpapanggap bang pagod na akong magpanggap, o ang pagpapanggap na hindi kita minahal at hindi kita mahal. Kasi Z, pagod na ako sa lahat ng klase ng pagpapanggap ko. Z, minahal kita, mahal na mahal kita,” naging tahimik kaming pareho matapos n’yang umamin. Ang mga kamay ko ay hawak-hawak ng mga kamay n’ya. “P-pero kung talagang desidido ka na, papakawalan na kita, Zeferina.”

“Arzhel, let me think,” dahan-dahan kong binawi ang mga kamay ko. “M-masyado ako nabibigla,” tumayo s’ya at inayos ang necktie n’ya.

“Aalis na ako, Z. Just call me kapag may kailangan ka,” he pat my head then he leave. Naiwan akong nakaupo sa sofa, pilit kong pina-process ang mga sinabi ni Arzhel sa akin.

Habang nag-iisip, hindi ko namalayang nakaayat na pala ako sa kwarto ko. Natatalo na naman ng puso ko ang isip ko, natatalo na naman ako ng pagmamahal ko para sa kan’ya. Malaki naman kasi ang chance na hindi s’ya nagsisinungaling, dalhin unang-una; wala na si mommy, at nakakulong naman si daddy, wala na ring bisa ang kasunduan ng parents namin. Pirma na lang naman talaga n’ya sa annulment paper ang hinihintay ko, pero ni isa sa mga ipinadala kong kopya sa kan’ya, walang bumalik sa akin.

Kinabukasan, ako lang ang naiwan dito sa bahay dahil umalis si Elia kasama si Leo. Balak ko rin namang magpa-check up ngayon dahil sa pagkahilo ko kahapon at kagabi.

“You’re 2 weeks pregnant, Mrs. Chen!” Para akong nabinge dahil sa narinig kong sinabi ng doctor. Sigurado naman akong nakainom ako ng birth control pills, kaya hindi ko maiintindihan kung papaano ako nabuntis.

“Are sure with that, doc?” Tinanguan n’ya ako.

Tulala akong lumabas ng hospital, at sa hindi inaasahan ay nakasalubong ko si Arzhel. Taka s’yang tumingin sa akin at pinagmasdan ang mukha ko.

“Z, what are you doing here?” Natameme ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Zea?”

“Aalis na ako, Arz!” Mabilis akong naglakad papalayo sa kan’ya pero nagawa n’ya pa rin akong sundan, bago ko pa mabuksan ang pintuan ng kotse ko ay mabilis na n’yang hinila ang braso ko. “Arz, ano ba?!”

“A-are you...” tumingin s’ya sa mga mata ko. “Pregnant?”

“What are you talking about, Arzhel?” Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa sinabi n’ya. “Nababaliw ka na ba?”

“Z, alam kong buntis ka!” Dahan-dahan n’yang binitawan ang braso ko. “Handa ko naman akuhin ang pagiging ama, pero tulad nga ng sinabi ko kagabi—handa akong pakawalan ka, Z. P-pati na ang batang dinadala mo,” nginitian n’ya pa ako bago s’ya tumalikod at naglakad papalayo. Gustong-gusto ko s’yang sundan pero pinipigilan ako ng pride ko.

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon