ANNULMENT PAPER

1 0 0
                                    

ARZHEL'S POV

Kanina ko pa tinititigan ang annulment paper na nasa table ko, last month pa ’to nandito pero hindi ko pa rin napipirmahan. Hindi ko magawang pirmahan ang papel na ’to, gayong alam ko na may nangyari sa amin ni Zea last month at hindi s’ya nakainom ng birth control pills dahil tinago ko ang mga ito, gusto ko kasing magkaroon din ng isa pang matibay na rason si Zea para hindi ako hiwalayan, dati ay pinipilit ko s’yang uminom ng birth control pills dahil ayokong magkaanak sa kan’ya, pero iba na ngayon.

Wala ngayon sa bahay si Zea dahil nasa hospital s’ya, tumawag kasi kanina si Krisha na kaibigan ng kapatid n’ya, itinakbo raw ang mommy n’ya at si Elia sa hospital.

I love her, pero hindi ko magawang masabi sa kan’ya. Pilit akong nilalamon ng takot at kaba, sa tuwing aamin ako—parang may kung anong bagay ang pumipigil sa akin, bagay na pinipilit akong magsinungaling. Minahal ko si Zea, mahal ko si Zea, hindi ako tanga para hindi s’ya mahalin. She’s a wife material, kahit pa hindi n’ya gustong maikasal sa akin, ginawa n’ya pa rin ang lahat para magampanan ang pagiging asawa ko. Pero sa kabila no’n, nagawa ko s’yang saktan physically, kahit isang beses lang ’yon—pakiramdam ko napakalaking pagbabago na talaga ang mangyayari dahil sa isang pagkakamaling ’yon.

Bumuntong hininga ako bago itapon ang annulment paper, gagawin ko ang lahat para hindi ako hiwalayan ni Zea. Kakalabas ko pa lang ng opisina ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, nagtaka ako nang makita sa screen ang pangalan ng daddy ni Zea.

“Hello po?”

“Arzhel?! Iho, help me!”

“Papa, what happened?!” Nag-aalala kong tanong.

“I killed her! Napatay ko ang asawa ko!” Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon. “Tulungan mo ako!”

“No!”

“D*mn it!” Malakas na mura n’ya mula sa kabilang linya. “Pagsisisihan mong hindi mo ako tinulungan! Ngayon pa lang binabalaan na kita! Isusunod ko ang asawa mo, Arzhel!” Nang patayin n’ya ang tawag ay nakaramdam ako ng takot. Kung kaya n’yang patayin ang asawa n’ya, hindi malabong kaya n’yang patayin si Zea, gayong hindi naman n’ya ito tunay na anak.

Gusto kong puntahan si Zea, pero hindi ko alam kung saang hospital sila nagpunta, gusto ko s’yang balaan dahil alam kong hangga’t hindi nahuhuli ang daddy nila, nasa panganib pa rin sila ni Elia. Nagmamadali akong umuwi ng bahay, at agad na nawala ang kaba ko nang makita ko si Zea na nakaupo sa sala.

“Z?” Paglingon n’ya sa akin ay nakita kong namumugto ang mga mata n’ya, nagmamadali akong lumapit kay Zea at agad s’yang niyakap.

“P-patay na ang mommy ko!”

“I know! Tinawagan ako ng daddy mo, Zea!” Mabilis s’yang kumalas sa pagkakayakap ko at tinignan ako ng nagtatakang tingin. “He asked me to help him, pero tumanggi ako. Sinabi n’yang isusunod ka n’ya, Zea!”

“Kung hihiwalayan mo ako, hindi mo na kailangang mag-alala,” bigla na lang nagbago ang tono ng pananalita n’ya, animo’y nawalan ito ng emosyon. “Dahil kapag hindi na nakakabit ang surname mo sa akin, hindi mo na ako kargo de konsensya!”

“Zea...”

“Hindi mo kailangang magpanggap, Arz. Hindi ba’t gustong-gusto mo nang hiwalayan ako?”

“Z, mas magiging safe ka kapag nandito ka!”

“Really, huh?!” Ipinakita n’ya sa akin ang pasa sa braso n’ya. “Ganito ba ang safe, Arzhel?!” Hindi ako nakapagsalita, tinitigan ko lang ang asawa ko. “Mas magiging safe ako kapag kasama ko si Elia!”

You'll Be Safe Here (TAGPUAN SERIES 4)Where stories live. Discover now