After a few months, Sean's birthday is getting closer but I still haven't thought of giving him a giftGusto ko sana'ng bigyan sya ng simpleng gift lang. Hindi naman kasi kailangan ni Sean ng mamahalin na regalo para sakanya kaya bibilhin ko nalang sya ng simpleng gift
Ganun na din saakin, malapit naman yong birthday ko pero ni isa parang nakatanda sakanila o plano man para saakin. Hindi ko naman hiningi ang kanilang opinyon para sa birthday ko, mas mabuti nalang na tumahimik nalang ako
Papunta naman ako sa library para mangopya ng ibang noted dahil padating na ang exam namin kaya advance akong mag review
"Zai! Saan ka pupunta?" Boses yun ni Gabriel kay napalingon ako sa likuran ko ng makita ko siyang may hawak na dalawang makapal na libro
"Sa library. . . Sasama ka ba sa'kin?"
Mabilis syang tumango "oo, sa library din naman ako pupunta. Wala ka bang kasama?" Tanong niya habang tumingin sa palagid kong may kasama ba ako o wala
Umiling lang ako sa tanong niya " Wala, umalis din naman si Miya"
Dahan-dahan lang syang tumango at pumasok na kami sa loob ng library at nag aral na kaagad. May mga bakanteng oras pa naman kami kaya review nalang ang gagawin namin ni Gabriel. At sya nalang daw ang bahala sa lunch namin
Habang nag aral kami ay kaagad ako nagulat ng may tumabi saakin at si Miya ito. Nakangiti sya saakin habang may hawak na sandwich at Chuckie sa kanyang kamay
"Someone bring this to you" Sabi ni Miya at nilagay sa mesa ko
Taka ko naman syang tignan, ganun din si Gabriel
"Huh? Kanino naman ito?" I asked curiously
Tinaasan lang ako ni Miya ng kanyang balikat at kinuha ang kanyang mga libro. Lumingon naman ako kay Gabriel na nakatingin lamang sa snack
"Want mo ba? Sayo nalang. Busog pa naman ako" Sabi ko ngunit umiling lang sya
"Para sayo yan teh, dapat ikaw ang kumain niyan" sagot niya at nag balik review sa makapal niyang libro
Bumuntong hininga nalang ako at tinignan ang sandwich at Chuckie na nasa kamay ko. Hindi ko alam kong kanino ito pero parang gusto ko nalang ito kainin dahil mukhang gutom na ako kanina pa. Dahan-dahan ko itong binuksan at kinain na bago ako bumalik sa pag review sa mga notes namin
Ng matapos na kaming mag review ay bumalik na kaming tatlo sa classroom dahil malapit na ang science subject namin. Papasok na sana ako pero nakita ko si Sean sa hagdan nakaupo habang may hawak na isang maliit na libro
Lapitan ko ba siya? Tanong ng sarili ko
"Mauna na ata kayo. . . May lalapitan lang ako sandali" I said. Tumango naman sila at kinuha ang bag ko dahil sila naman yong pupunta sa classroom
Dahan-dahan akong lumapit kay Sean na tahimik lang ito habang nakikinig sa airpods niya. Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya ako pinansin. I ignore it. Tumingin lang ako sa notes niya na maraming highlights nakalagay sa kada notes niya
Later on, gulat syang napatingin saakin pero ako ay blanko lang
"Kanina ka pa dito?"tanong niya at kinuha ang airpods niya
"Medyo, papasok naman ako kagad"sagot ko at napaiwas tingin
Malapit nalang yong science subject pero mukhang walang gana itong pumasok sa subject na yun. Total masakit naman yon sa ulo! Hindi pa nga namin alam yony lecture ng teacher namin ay nag quiz sya kaagad
Napatingin ako sakanya ng sinarado niya na ang libro niya. Tumayo naman ako dahil parang wala naman sya sa mood para makipag usap saakin. Edi wag. Pupunta nalang ako sa classroom
VOCÊ ESTÁ LENDO
Chasing Hearts
DiversosIn this story, the central characters are a girl and a boy who share a strong bond of friendship. The boy, despite being generally cold towards others, shows a completely different side when he is with the girl. He becomes flirtatious and affectiona...