Chapter 14

62 6 0
                                    

"huh? Gusto ka niya!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Miya

"Hindi ko alam, Miya. Para kasi'ng niloko niya lang ako eh" mahinang sagot ko sakanya at napayuko

Totoo naman. Pakiramdam ko ay parang pilit niyang sabihin yun saakin kahapon noong pauwi na kami. Na insecure talaga ako sa mukha ko

At napaisip ko ba kong bakit nya ako nagustuhan. Eh halos madaming babae na nagkagusto sakanya pero hindi niya naman kinausap o nilapitan man lang. Pero bakit ba ako...

Nainggit talaga ako sa ibang babae dahil subrang ganda nila tapos morena yong mga balat nila. Hindi tulad saakin na maputi tapos hindi halatang taga pilipinas ako

Oo kinilig ako sa sinabi niya na nagustuhan niya ako. Pero bigla ko naisip na sa susunod na araw ay mawawala lang naman ang kagustuhan niya saakin

"Kailan lang ba niya inamin sayo na gusto ka niya?" Tanong habang kumakain ng fries " at tiyaka, bakit ka naman lokohin yon? "

"Kahapon, after class natin. Naiwan kasi kami sa classroom kaya naisipan namin na mag usap muna sandali. Kaya ayon, doon niya na inamin saakin" paliwanag ko at saka naman syang tumango

Bumuntong hininga ako at tumingin sa langit. Alas-onse palang ng umaga pero nanatili pa di'ng mainit. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay namin, nakaupo sa doyan habang nag uusap ni Miya. Nandoon naman si papa sa loob dahil ngayon ay holiday, wala siyang trabaho

" grabe. . . . May crush pa naman si Angel kay Sean pero ikaw yong gusto ni Sean. Pero ikaw...gusto mo din ba sya?"

Lumingon ako sakanya at napaiwas tingin. Hindi ko alam ang maisagot ko dahil minsan ay nagugoluhan ako kony gusto ko na sya o hindi

Pero may parte sa puso ko na gusto ko si Sean. Hindi ko lang maamin dahil baka masaktan lang ako. O di kaya ay hindi niya ako papansinin

"Zai, I'm asking you, may gusto ka ba sakanya? Oo at hindi lang ang sagot mo" seryosong tanong niya

Bumuntong hininga ako at dahan-dahan tumango. Ngumiti naman sya saakin at tumingin din sa langit

I admit it. Gusto ko si Sean, pero sana ay wag niya lang ipakalat sa school dahil ayaw ko mapahiya doon o may kaaway dahil lang sa isang lalaki

"Finally! Inamin mo na din" she whispered. Ngumiti ako sakanya

"pero Miya, takot akong aaminin sakanya na gusto ko sya" sabi ko habang napayuko " mas mabuti nalang na saatin lang ito at wag pa natin ipakalat, diba? Mas lalo akong lalayuan siguru ni Sean"

"Huh? Inamin na nga ni Sean na gusto ka niya diba? Imposible naman na ire-reject ka no'n"

Ngumiti ako ng maliit" Miya, natakot lang ako. Paano kapag nawala na yong kagustuhan niya sa'kin? Oh diba, mapunta lang naman doon"

Hinawakan ni Miya ang kamay ko at ngumiti din ng maliit katulad saakin, mabuti pa talaga sya ay nakikinig sa mga problema ko. Yong kahit walang kwenta lang 'to ay nakikinig pa din sya saakin

" trust me, dadating pa din yong araw na aaminin mo sakanya yan" turo niya sa puso ko" gusto ka ni Sean, at tingin ko ay hindi naman sya red flag. Hindi tulad sa mga ibang lalaki"

Tumawa ako ng mahina at napailing" iba ka talaga noh? Syempre hindi naman red flag si Sean"

Tumango sya saakin at umiwas tingin. Nag pahinga muna kaming dalawa bago naisipan na tulungan ang dalawang katulong dito sa bahay mag luto para sa tanghalian namin. Wala naman kasi'ng ginagawa si Miya doon sa bahay nila kaya dito sya pumunta saamin para tumambay o di kaya ay tumulong

Habang gumawa kami ng pagkain ay nag uusap kami at tumatawa dahil sa kalokohan niya. Minsan ay bina-backstab namin yong mga plastic naming classmates

Hanggang sa makakatapos kaming mag luto at nag linis sa kwarto ko ay kumain na kami. Hindi lang kami nag tagal dahil kailangan pa namin muna pumunta sa eskwelahan para kukunin ang naiwan na t-shirt at bag ni Miya sa locker niya

Chasing Hearts Where stories live. Discover now