2

31 7 0
  • इन्हें समर्पित: Mystyrianza
                                    

2

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

2. Mall

Replace fear of the unknown with curiosity.

AI

Pagkababa ko nang train pumunta na ako sa Mall para bumili ng libro. Habang naglalakad ako papasok nang Mall sa hindi kalayuan sa nilalakaran ko, may nakita akong mga kalalakihan na mga kasing edad ko lang na nasa tapat ng isang store hindi ko alam kung anong store yun, nakatayo sila at nakasandal sa window glass ng store na 'yon.

Habang tinitignan ko 'yon may nahagip ang mata ko isang familiar na tao nakatayo siya at nakajacket habang may kausap na lalaki at babae, wait is that the guy on the Train Station?

Hindi ako nagkakamali siya nga wala nga lang siyang salamin, syempre nakunan ko nanaman siya ng picture. Habang lumulabas yung picture niya sa instax camera ko ay tinignan ko yung guy pagkatingin ko nakatingin na siya sa'kin this time parang maglalakad na siya hindi ko alam kung nakita niya ba ako?

Dahil medyo kinabahan ako  tumakbo na ako papunta sa National Book Store nang nasa loob na ako nagtago ako, inaaliw ang sarili sa pagpili ng nga libro. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto ko na hindi naman siguro ako hahabulin ng lalaking 'yon. I decided to buy five books. Nabasa ko na kasi lahat ng libro ko sa bahay para kapag ni-grounded ako ni Mommy may mababasa akong mga bagong libro.

Nagtataka lang ako dahil magkaibang way yung train na sinakyan namin kanina tapos matatagpuan ko siya dito? Weird? Nacucurious ako bakit nakita ko nanaman siya?

Nang mahanap ko na yung mga libro na bibilhin ko naisipan kong bayaran na sa cashier kaya lang nabigla ako nang pagkatalikod ko ay nasa harapan ko yung lalaki na kinunan ko ng pictures kanina.

"Tatakas ka pa?" Nakangiting sabi nang lalaki sakin.

Napalunok ako nang wala sa oras, paano ba naman ang lapit ng mukha niya sa mukha ko konti nalang mahahalikan niya na ako.

"Sorry pero kilala ba kita?" Nagtataka kong sabi sa kanya, kahit na palusot ko lang 'yon.

"Hindi, pero kasi hindi mabuti ang pagnanakaw mo ng larawan ko ng walang paalam." Lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa'kin.

This guy is crazy. Ang lakas ng epekto niya lalo na yung ngiti niya para siyang nangaakit, Lord please control me.

"Okay fine sorry, so pwede lumayo ka na masyado kang nakalapit sa'kin." Sabi ko sa kanya sabay tulak pero mahina lang syempre.

Pagkatulak ko sa kanya pumunta na akong cashier para bayaran yung mga librong binili ko, pagkatapos lumabas na ako sa National Book Store para lumabas na nang Mall kaya lang may humatak sa braso ko dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad.

"Blue A. Magdiwang nga pala o tawagin mo nalang akong Bam, You?" Sabi nang lalaki na kinunan ko kanina.

"AI Mabini" Nakangiti kong sabi sa kanya.

WT! AI he's a stranger why did you tell him your name, you don't even know that guy.

Whatever minsan kailangan mo din makakilala ng stranger kasi mas maganda pa silang maging kaibigan dahil hindi ka nila huhusgahan kung sino ka man o kung ano man ang pagkatao mo, at nang araw na 'yon doon nagsimula ang lahat.

💌

Panaginip Langजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें