4

26 7 1
                                    

4

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

4. Book Cafe - Night

I want to start over, I want to feel free. But this pain will never leave me.

Nararamdaman na niyang alam na ng lalaki na gusto niyang kumawala sa isang kahon na siya mismo ang gumawa, kaya't unti- unting sinisira ng lalaki iyong kahon. Dahil nung gabing yun, she wants to be happy with this guy.


AI

"Book Cafe?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yup, don't ask I love reading anime, manga, international books. So, dinala kita dito you love reading right?" Nakasmile na sabi ni Bam sa'kin.

This guy is so mysterious, who are you Blue A. Magdiwang? Pumasok na kami sa Book Cafe at naamaze ako sa nakita ko, the cafe has so many books as in ang dami hindi ko maiwasan ang mapangiti. Napansin kong may card na inabot si Bam doon sa main counter or yung magssign ka pa para makapasok sa Book Cafe.

"Regular customer ka dito?" I ask to him.

"Diba nga I love reading too?" Bam said sabay hawak niya sa kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko, habang papasok kami sa Book Cafe ganon pa rin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong Book Cafe maraming libro at may mga sofa's na pwedeng upuan ng dalawang tao o pangbarkadahan. Nang makahanap ng upuan si Bam doon niya lang narealize na he's holding my hand.

"Sorry nahawakan ko yung kamay mo." Seryosong sabi ni Bam sa'kin.

"It's okay, no worries." I said while smiling at him.

Sus! Hindi mo na lang aminin na sinasadya mong hawakan yung kamay ko. Kung alam ko lang gusto mo rin namang hawakan kamay ko.

"Can I ask something?" Bam ask.

"What is it?" I said while staring at him.

"Napansin ko lang na pilit lang ang ngiti mo, libre naman ngumiti di'ba? Smile AI." Ngiting sabi niya sa'kin.

Kahit ngayon lang AI, be happy and free. Bakit ganon sandali ko palang siyang nakakasama pero panatag na ang loob ko sa kanya. Ang makasama siya ng isang gabi ay hindi ko pagsisisihan, he's kind, although he's stranger I think I'm safe with him, sana hindi na matapos ang gabing ito.

Pagkasabi niya nun ay di na agad ako nagdalawang isip na ngumiti, yung totoong ngiti.

"Ito maganda, 2 Weird EERIE INDIANA: THE EERIE TRIANGLE By: Mike Ford." Bam said while giving me the book that he's talking about.

"Hahaha, seriously? Hindi lang pala ako ang weird dito, favorite ko kaya itong book na ito." I said while smiling at him.

"Same here, ako kaya si Marshall Teller haha." He said while laughing, at napansin ko na ang cute niya pala kapag tumatawa.

"Hahaha. Support nalang kita." I said at pinagpatuloy ko na ang aking pagbabasa.

Habang nagbabasa ako napansin kong biglang tumahimik si Bam kaya napatingin ako nang wala sa oras sa kanya, at nagulat ako nang makita ko siyang nakatingin sa'kin na para bang sinusuri ako.

"Hey?" Sabi ko sa kanya na may halong pagaalala.

"AI thanks." He said while looking into my eyes.

"Para saan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Salamat kasi nakilala kita, your different. Ayoko ng matapos ang gabing ito." He said.

Kung alam mo lang Bam, ayoko na ring matapos pa ang gabing ito. Dahil natatakot ako na baka hindi na tayo magkita pa pagtapos ng gabing ito.

Hindi ko alam kung tama ba to na nagsisimula na akong mahulog sa lalaking kakakilala ko lang kanina, ni-hindi ko pa nga siya gaano kakilala tapos ganto na agad mararamdaman ko.

Hays, ewan ko ba sayo AI!

💌

Panaginip LangWo Geschichten leben. Entdecke jetzt