5

13 7 0
                                    

5

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

5. Bus - Night

Isang gabing hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko, Our day's about to
end. And he really made me feel loved today.

AI

Nasa bus na kami ngayon ni Bam pauwi, it's already nine o'clock in the evening at hanggang ngayon nasa byahe pa rin kami.

Inaantok na nga ako kaya lang hindi ako pwedeng matulog kasi baka lumagpas ako sa titigilan ko, mahirap na.

Nangangalay na nga rin leeg ko paano ba naman nakasandal ulo ko sa may
bintana ng bus.

"Halika nga dito sa balikat ko, dito ka matulog." Sabi ni Bam habang ginaguide ako sa balikat niya.

"Bam." I whispered at him at doon ko lang napansin na ang lapit-lapit niya sa'kin.

My heart skipped a beat. Tinitigan ni Bam ang mata ko, pababa sa labi ko. He leaned forward at naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko, ramdam ko ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa likod ko habang ang kanan naman ay sa pisngi ko. Just like that, I became breathless. Ang hirap huminga, teka...

Naramdaman kong dumapi ang labi ni Bam sa labi ko. His kisses are soft, intimate, romantic. Nadadala ako. Hinahatak ako. Sh*t! Hindi pwede ito, agad akong napahiwalay sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya na sumasalamin sa akin.

"Sorry." I blurted out. I choked at naramdaman kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"Hey." Nilapitan ako ni Bam at niyakap.

"Ako dapat ang magsorry, hindi ko dapat ginawa yun." He said.

"No, I'm sorry."

"No, ako dapat ang magsorry AI. It's my fault, I'm sorry AI hindi ko napigilan sorry."

"It's okay I'm not mad." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.

"Are you sure?" Sabi ni Bam.

"Yes. Hindi ako galit okay?" I said.

Pagkatapos kong sabihin yun ay hinawakan ko ang pisngi niya at dinampi ko ang labi ko, and just like that i kiss him softly and intimate. I can't stop kissing him, nadadala ako, para akong hinahatak, na para bang ayaw ko ng tumigil.

F*ck! This is wrong, I'm starting to fall. At agad namang napahiwalay si Bam sa'kin, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Pero hindi yung gulat na nagsisisi siya na hinalikan niya ako una, parang yung gulat na hindi niya ineexpect na gagawin ko yun.

"Sorry ulit, alam mo matulog nalang tayo." He said, at agad siyang umupo ng maayos.

Humiga ako sa balikat niya. Siya naman nakatingin sa bintana ng bus.

"AI?"

"Hmm?"

"Pwedeng yumakap?"

Tumango ako, "okay."

Naramdaman ko ang pagharap niya sa'kin at niyakap niya ako.

"I have a question." He said.

"What is it?"

"Did I make you feel happy, free and loved today?" He whispered.

Napasmile ako sa tanong niya at tumango sa kanya.

"Sobra."

"Okay, that's all that I need to hear." There's a hint of smile in his voice.

Napangiti ako pero hindi na ako nagsalita.

"AI?"

"Hmm?"

Bigla nalang akong inantok kaya hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya bago pa ako tuloyang nakatulog sa balikat niya. Matapos ang araw na yun isa lang ang natandaan ko ang alaala naming dalawa.

💌

Panaginip LangOnde histórias criam vida. Descubra agora