9

8 5 0
                                    

9

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

9. Book Cafe - Day

Its better to have loved and lost than to never have loved at all.

AI

I decided to ditched my Mom again, and went to the Book Cafe. Kung saan una niya akong dinala hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito? Maybe, kailangan ko lang balikan ang mga ala-alang iniwan namin dito.

Pumasok na ako sa Book Cafe at nagsign sa counter nang makapag-sign ako ay naghanap na ako ng pwedeng upuan kaya lang napatigil ako sandali sa paghahanap ng paguupuan ng makita ko yung dati naming inupuan ni Bam. I decided to sit there and start remembering the special moments that we left there.

Habang inaalala ko ang alaala namin hindi ko maiwasang mapangiti, sa sandaling pagsasama namin ni Bam natuto akong magtiwala sa hindi ko kilala, mapangiti ng sobra, at higit sa lahat magpatawad. Sa sandaling kasama ko siya nang araw na 'yon naramdaman ko ang maging masaya at malaya kasama siya, pinaramdam niya sakin kung paano maging malaya na walang humahadlang.

I look around para tignan ang mga kasama ko sa Book Cafe, may mga sariling mundo sila yung iba nagbabasa, yung iba nagsusulat, yung iba nakikinig ng music at isa rin ako sa kanila.

Nagsusulat ng mga alaalang nais kong balik-balikan ngunit hindi na mauulit pa dahil tapos na, pero kung isa lang itong panaginip sana hindi na ako magising pa.

Ayoko ng magising pa kung hindi hahayaan ni tadhana na pagtagpuin ulit kami sa huling
pagkakataon, gusto ko ulit siyang makita at makasama at gusto ko na ring sabihin sa kanya ang matagal ko ng gustong sabihin.
Months passed and I kept on thinking of him. Kulang na nga lang hanapin ko na siya sa buong mundo at isigaw na 'ASAN KA NA BLUE ANTHONY MAGDIWANG' like sinong baliw ang gagawa 'nun?

Hindi ko na alam gagawin ko. Kailan ba ulit kami magkikita? Kailan ko ba ulit siya
makakasama? Kailan ko ba masasabi tong nararamdaman ko sa kanya kasi sa totoo lang gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya.
Bam magpakita ka naman na sakin oh, para hindi na ako nahihirapan ng ganto. Miss na miss na kita. Magpakita ka na sakin.

Lord, please hayaan mo ng magkita kami. Kung hindi talaga kami para sa isa't isa edi bigyan niyo nalang po kami ng huling pagkakataon para masabi ko sa kanya tong nararamdaman ko.

BAM

I decided na maglakad-lakad para makapagisip-isip, ewan ko this past few days palagi ko nanaman siya naiisip at ito sa aking paglalakad bigla ko nanaman naisip si AI actually hindi lang ngayon.

Pati nang mga nakaraang araw siya lamang ang iniisip ko. Gusto ko ulit siyang makita at makasama hindi ko na alam ang nangyayari sakin naghihintay akong pagtagpuin ulit kami ng tadhana.

Umaasang isang araw makita ko ulit siya at sabihin angnararamdaman kong ito. I know that "For with God all things are impossible." Alam kong balang araw magkikita din kami dahil walang imposible.

Naniniwala rin akong hindi man kami pinagtatagpo ngayon alam ko pagdating ng takdang panahon ay magkikita rin kami. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
Kung kalooban ni Lord na kami talaga ang para sa isat' isa hahayaan niya kami na magkita, hahayaan niyang pagtagpuin ang landas naming dalawa. Sabi nga kung kami talaga ang para sa isat' isa kami talaga, walang makakapigil o makakapagbago doon. Napabuntong hininga nalang ako.

Ang tanga ko lang sa part na nagkita na kami noong get together hindi ko pa siya kinausap. Sinayang ko lang yung pagkakataon na yun sinabi ko na sana ang nararamdaman ko sa kanyang, edi sana hindi ako nagkakaganito.

"Hoy! Lalim ng iniisip natin dyan ah? Anong meron?" Lumingon ako at tumambad sa akin ang kaibigan kong si Ark na papalapit sa akin.

"Ayos lang ako dude, ikaw saan ka galing?" Sabi ko kay Ark at ngumiti sa kanya.

"Sus! Si AI pa rin ba yang iniisip mo hanggang ngayon? Sa campus ako galing nagpasa lang ng requirements, alam mo naman magpapasukan na next month." Sabi ni Ark na parang nangaasar pa, sabay seryoso ng kumag.

"Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako." Inis kong sabi.

"Palagi ka nalang huli mag-enroll tsk." pa-iling kong sabi sa kanya.

Kahit kailan talaga tong taong ito hindi pa rin nagbabago.

💌

Panaginip LangWhere stories live. Discover now