Poem 98| Nakakakita ka ba?

6 3 0
                                    

Nakakakita ka ba?

Mga matang nagliliyab pero nanatiling bulag.
Magaling, inutil; sino ang pinakaduwag?
Paano ako, paano ako, bakit sila lang nakikita niyo?
Lahat naman tayo pinipilit lang mamuhay sa iisang mundo...

Hanggal lang ba ang sarili lang inaatupag?
Bahala na ang iba, pansariling karapatan lang ang protektahan!
Bahala na ang iba, hindi matatapos ang laban!
Turuan kung sino ang salarin; magpataasan ng dignidad!

Hanapan ng mas api, diskusyon ng tama at mali
Mahirap, mayaman, respetado, inaabuso maghanap na kayo ng kakampi!
Ah kung makakapili lang na hindi tayo iba sa isa't-isa...
Kasuklam-suklam na hindi pa rin tayo tunay na magkakaisa.

Pero hindi ba pwede bago sumuko, subukan muna?

Sapantaha| Poetry CollectionWhere stories live. Discover now