Poem 99|Isang Pikit na Panaginip

5 3 0
                                    

Isang Pikit na Panaginip

Hindi ko mahabol-habol ang oras,
O makabawi sa nawala na at lumipas.
At ang pagod ko at kagustuhan kong magpahinga,
Ay minsan isang pikit lang ang panadaliang lunas.
Kasabay managinip ng pangarap kong sinisinta.
Nakapikit, madilim, pero ang saya ay walang kupas!
Sa sobrang himbing, kailangan pa bang gumising pa?

Hindi ba sapat na ang gawa-gawa?

Sapantaha| Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon