28

33 5 1
                                    


“Fuck you, Henry!” I spat when the asshole finally emerged from the kitchen.

Agad siyang humalakhak. Patunay na siya nga ang nag-send ng picture ko sa bata.

“Chill, bro! Guwapo mo kaya do’n.”

“Shut up. Wala kang suweldo mamaya,” inis kong saad.

Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang lumapit sa akin. “Joke lang, pre! Bigay mo na sa akin mamaya, please? Sorry na.”

I pushed him away when he tried to hug me. “Oo na. Basta huwag mo nang uulitin.”

“Yes, boss!” aniya bago siya sumaludo.

Tinalikuran ko na siya para sana ayusin ang mga nakakakalat sa counter nang muli siyang magsalita dahilan din nang pagkakatigil ko.

“Pero maganda si Caia ‘no? ‘Di mo ba talaga siya gusto? O ayaw mo lang sumugal muli sa pag-ibig?”

Napaharap ako kay Henry na seryosong nakatingin sa akin. Gusto ko siyang barahin at sabihing, bakit hindi siya ang manligaw kay Caia kung nagagandahan siya rito, pero may girlfriend na siya at sinabi niya lang na maganda si Caia dahil totoo naman. He’s just complementing her looks. Walang malisya.

“Hindi ko lang siya type,” tipid kong sagot bago ko siya tuluyang tinalikuran dahil may bagong dating na customer.

Pero kahit na hapon na, ang tanong pa rin ni Henry ang naglalaro sa isipan ko.

But the promise I had for myself a year ago, still won.

I will never love again.

Could Be Something Where stories live. Discover now