72

26 3 2
                                    

“Wow! Tumatalino ka na, ate, ha! With high ka ulit?!” gulat na saad ni Maica nang ipagbida ni mama ang grades ko sa kapatid ko pagka-uwi namin galing sa school dahil general meeting at awarding ng mga may honors ngayong second grading.

Napangisi lang ako at saka tumango.

Masaya rin ako sa naging reaksyon ni mama. Hindi na siya madalas magalit sa akin at proud na sila sa akin. Maging matalino lang pala ako ang gusto nila.

Tama nga si Shadrach sa sinabi niya, matalino naman talaga ako, tamad nga lang.

“Ipagpatuloy mo ‘to, Caia! Ikaw din, Maica!” masayang saad ni mama.

“Opo, ma,” sabay naming sabi ng kapatid ko.

Sana tuloy-tuloy nang maging mabait sa akin si mama. Baka sakaling maipakilala ko na sa kanila ang lalaking tumutulong sa akin na makamit ang lahat ng mga parangal na meron ako ngayon. Ang lalaking minahal at mamahalin ko ng lubos at pang-habang buhay.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon