81

28 3 7
                                    

“Go, girl! Ako na ang bahala kay tita Cara, in case na tumawag siya at hanapin ka sa akin.”

Napangiti ako sa sinabi ni Jean. “Thank you, ha? Love you talaga! Sige na maiwan ko na kayo,” paalam ko sa dalawa kong kaibigan.

“Ingat kayo!” ani Marj.

Parang bata akong naglakad takbo makalabas lang sa campus. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Shadrach na nakasandal sa itim niyang Hilux.

Napakagat ako sa labi ko. Sinunod niya nga ang bilin ko, naka-formal nga siya ngayon. Kahit na madilim at tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa kan’ya ay kitang-kita pa rin ang taglay niyang kaguwapuhan. Dahil hindi naiilawan ang kabilang mukha niya mas nadepina tuloy ang matangos niyang ilong at ang kan’yang adams apple, kitang-kita ko rin ang perpektong panga niya. Hay, Shadrach!

Binilisan ko pa ang paglalakad ko dahilan para tumunog ang high heels ko sa bawat paghakbang ko. Napalingon tuloy ang lalaki at napaayos ng tayo.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya para pigilan ang pagngiti.

“Ang guwapo naman ng bebe ko,” saad ko nang tuluyan akong makalapit sa kan’ya.

Bahagya akong napatili nang hapitin niya ang baywang ko papalapit sa kan’ya at mabilis niya akong hinalikan sa labi.

“Ganda mo,” paos niyang bulong.

Para akong mababaliw at parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ramdam ko rin ang panghihina ng tuhod ko kaya itinawa ko na lang ito bago siya marahang hinampas sa dibdib.

“Alam ko. Tara na? Gutom na ako, eh,” nakangusong saad ko.

Napapikit ako nang muli niya akong halikan. Hahalikan ko na sana siya pabalik nang nilayo niya ang mukha niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

“Akala ko ba gutom ka?” tukso niya.

Tinulak ko siya papalayo habang masama pa rin ang tingin. “Mamaya ka sa akin.”

Napangisi ang lalaki. “Ooohhh,” aniya at mukhang natutuwa pa sa asal ko.

“Che!” inis kong sabi at aalis na sana  nang bigla niya akong hapitin pabalik at muling nilapat ang kan’yang mainit at malambot na labi sa akin. Ngayon ay mas matagal kaya mas lalong nagwala ang sistema ko.

“Sorry na. . .” bulong niya sa labi ko.

Ang inis ko sa kan’ya kani-kanina lang ay naglaho na. Napalitan ito ng kilig na alam kong hindi na mawawala pa.

Mabilis kong niyakap ang leeg niya para muli siyang halikan. “Okay. . .” bulong ko nang pakawalan ko siya.

Madilim man ngunit alam kong namumula na rin siya gaya ko.

“Tara na nga, bago pa tayo mahuli ng mga teacher mo,” aniya nang makabawi mula sa halik ko. Tumawa lang ako at sumunod na sa kan’yang pumasok sa sasakyan.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon