85

34 3 2
                                    

“Manong, ano’ng nangyayari?” naguguluhan at kinakabahan kong tanong sa taxi driver nang biglang bumilis ang pagmamaneho niya at pilit na sumisingit sa ibang mga sasakyang nangunguna sa amin.

“Mukhang sinusundan po tayo, miss,” kinakabahang aniya at mas humigpit pa ang kapit niya sa manubela at pinaharurot na ang taxi.

“Huh?!” lito kong saad. “May nakaaway po ba kayo, manong?” kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa likuran namin. Tatlong itim na SUV ang humahabol sa amin.

“W-Wala, miss. Baka ikaw?”

Kumunot ang noo ko. “Imposible po, manong. Hindi naman po kami mayaman—” napahinto ako nang maalala si tito Carlos.

Shit. Possible kayang. . .

Pero bakit ako?

Habang patagal nang patagal ang habulan ay mas lalo akong kinakabahan sa upuan ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko na hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Lumingon ako at napamura nang halos makalapit na ang isang SUV sa amin.

Agad kong nilabas ang cellphone ko para sana tawagan si Shadrach nang bigla akong napatilapon sa harap at malakas na nauntog ang ulo ko sa matigas na bagay. Tila nabinggi ako at nandilim na ang paningin ko.

Sumikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga pa nang maayos. Ang sakit ng buong katawan ko, lalong-lalo na ang ulo ko. Para itong hinahati. Hindi rin ako makagalaw dahil tila may nakadagan sa akin.

“Tulong. . .” sigaw ko ngunit para lang akong bumulong sa kawalan.

Napatingin ako sa taxi driver. Nakasubsob na ang mukha niya sa manubela at wala na siyang malay. Napatigil ako sa paghinga nang makita ang mga dugo rito.

Agad na tumulo ang luha ko nang mas nahirapan pa akong huminga.

Bigla kong naalala si Shadrach.

Hindi. . . Hindi pa ako puwede mamatay.

“Tulong!” pinilit ko ang sarili kong sumigaw.

Tila nabuhayan ako nang may nakita akong isang lalaking naka-itim na lumapit sa akin.

“Tulungan mo ako, please. . .” paki-usap ko.

Ngunit iba ang binungad nito sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang tinutok niya sa akin ang baril.

Mas lalo akong napa-iyak. “Huwag—”

Isang nakabibinging putok ang umalingawngaw sa paligid. Napatigil ako sa paghinga at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagbaon ng bala sa dibdib ko.

Napapikit ako sa matinding sakit at napaubo ng lasang bakal na likido na pagkuwari ko ay sarili kong dugo.

Mas lalo kong naramdaman ang iba’t ibang klaseng sakit habang pasikip nang pasikip ang dibdib ko at hinahabol ko na ang aking paghinga.

“I love you, Micaia Esmeralda. . .”

Sa huling sandali bago ako tuluyang sumuko sa paghinga ay narinig ko ang boses ni Shadrach. Nakapikit man ako ngunit tila nakita ko ang maamo niyang mukha na nakangiti sa akin. Ngunit agad din iyong nawala nang dumilim at tumigil na ang lahat.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon