34

36 4 11
                                    

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell mula sa gate. Napabuntonghininga ako at imbes na bumangon mula sa kama para silipin kung sino ang nasa labas ay tinaklob ko ang comforter sa mukha ko at mas lalo pang namaluktot sa kama.

Sa sapat na lamig ng aircon, sa lambot ng kutson at unan na hinihigaan ko, at sa bango ng comforter na yumayakap sa akin ay agad na bumigat ang mga talukap ng mata ko at pakiramdam ko ay hinehele ako sa ulap.

“Puta,” mura ko nang muling umingay ang doorbell dahilan ng pagkagising kong muli.

Inis akong napasinghal.

Kung nagloloko na naman sila Jean hindi ako natutuwa. Inalis ko ang comforter sa mukha ko para tingnan kung anong oras na mula sa wall clock sa harapan ko.

Alas-dos pa lang pala ng hapon. Imposibleng sila Jean ang nasa labas. Ika-apat na araw na na naka-deactivate ang lahat ng social media accounts ko, at pang-apat na araw din na absent ako sa school.

Bukod sa wala akong ganang makisalamuha sa mga tao ay nilalagnat pa rin ako mula no’ng Sunday. Ang araw kung kailan nawalan na naman ako ng gana sa lahat.

Magmula din no’ng Monday ay laging bumibisita sila Jean at Marj sa bahay pero mabilis ko lang silang kinakausap bago ako muling nagkukulong sa kuwarto ko.

Gusto ko munang mapag-isa. Babalik din naman ako sa dati. Kailangan ko lang talaga ng space at time.

Muling tumunog ang doorbell kaya inis akong napa-upo. Tatayo na sana ako para silipin kung sino ang nasa labas nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad akong kinabahan dahil baka si Mama pala ang nasa labas. Baka may emergency kaya maaga siyang umuwi.

Ngunit nawala ang kaba ko nang makita kong unknown number ang tumatawag. Kumunot ang noo ko habang hawak ko ang cellphone ko at pinapanood na matapos ang tawag.

Hindi ko naman kilala kaya hindi ko sasagutin.

Ibaba ko na sana ang cellphone ko nang muli na naman itong tumawag.

From: 09*********
Please, answer my call.

Mas lalong kumunot ang noo ko at nag-aalinlangang sinagot ang tawag.

“H-Hello?” paos ang boses kong sagot.

“How are you?”

Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagkakagulat nang marinig ko ang baritonong boses ni Shadrach mula sa kabilang linya.

“H-Huh?” natatanga kong tanong hindi makapaniwala na siya nga ang kausap ko.

Rinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga bago niya ito mabilis na pinakawalan.

“How are you, little miss?” Hindi ko alam kung nagloloko ba ang pandinig ko pero sobrang lambing ng malalim at baritono niyang boses.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at ang matamlay kong katawan kanina ay ramdam kong unti-unti nang nabubuhay. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko at ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

“Kanina hindi ako maayos, pero ngayon okay na okay na. . .” nakangiti kong sagot.

“Care to welcome me at your house then?”

Could Be Something Where stories live. Discover now