47

32 3 2
                                    

“Oh, ginabi ka na naman ng uwi! Saan ka na naman nagsususuot na bata ka?!” galit na sigaw ni mama nang pagbuksan niya ako ng gate.

Napalunok ako. “Uh, may tinapos lang po kami sa school, ma.”

Napasinghal si mama. “Ikaw? May tinapos sa school? At kailan ka pa naging mabuting estudyante, huh? O baka naman nakipag-date ka lang?”

Umiling ako at tahimik siyang nilampasan.

“Huwag mo akong talikuran, Micaia Esmeralda! Kinakausap pa kita!”

Napabuntonghininga ako at pagod siyang hinarap.

“Saan ka galing ha?!”

“Sa school po, ma.”

“Sinungaling ka talaga! Nakita ka raw ng papa mo sa isang café at may kasamang lalaki! Sino ’yon ha? Boyfriend mo? Ano?! May nangyari na ba sa inyo?!”

Nag-init ang pisngi ko dala ng matinding hiya dahil sa lakas ng sigaw ni mama. Hindi na ako magtataka kung naririnig na ito ng mga kapit-bahay namin.

Umiling ako. “Ma, wala po akong boyfriend. Kaibigan ko lang po siya.”

Tumaas ang isang kilay ni mama. “Kilala kita, Micaia! Sa landi mong iyan, imposibleng kaibigan mo lang iyon! Sinasabi ko sa ’yo, oras na mabuntis ka, hindi na kita anak!”

Nagtiim bagang ako sa narinig mula kay mama. “Gano’n na ba ako kalandi sa tingin mo, ma? Ma, alam ko, marami akong naging boyfriend noon pero ni-minsan hindi ako nakipag-sex! Ma, kung ganyan ang tingin niyo sa akin, hindi niyo pa kilala si Micaia Esmeralda, hindi niyo pa kilala ang panganay niyo.” pagtatanggol ko sa sarili.

Minsan lang akong sumagot. Lalo na kung alam kong sumosobra na si mama.

Natahimik si mama. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nauna nang pumasok sa bahay. Ramdam ko ang tingin nila papa at Maica pero hindi ko sila tinapunan ng tingin, dumiretso na ako sa kuwarto ko at nagkulong.

Nang tumahimik na ang paligid ay muli kong narinig sa isip ko ang huling sinabi ko kay mama.

Agad na nanubig ang mga mata ko at sumikip ang dibdib ko.

Hindi nga talaga ako kilala ni mama. . . kasi ni-minsan hindi niya ako tiningnan bilang anak niya.

Akala ko ang pamilya ang magsisilbing tahanan ng lahat, pero sa pamilyang ito, pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

Nakakasawa sila.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon